
Suportado ng Kapuso couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid ang isa't isa lalo na pagdating sa kanilang mga trabaho kaya walang masamang tinapay kung maipares man sila sa ibang mga artista.
Sa taping ng bagong GMA Station ID kamakailan, nakakuwentuhan ng GMANetwork.com si Bianca. Kuwento niya, inspirasyon niya si Ruru sa lahat ng kaniyang ginagawa sa kaniyang career.
Aniya, “Siyempre kami naman ni Ruru, kung gaano kami kasuporta sa isa't isa, kitang-kita naman ng lahat ng tao 'yun and ako where Ruru is now alam niya yan, he is my idol.
Dagdag pa niya, “He motivates me, he inspires me, and I know that that he does this for everyone around him as well including his leading ladies, hindi lang sa mga lalaking kasama niya.”
Nang tanungin naman si Bianca kung ano ang masasabi niya sa mga leading ladies ng kaniyang boyfriend na si Ruru, ito ang kaniyang naging sagot, “Actually ang masasabi ko sa kanila I hope that they enjoy working with Ruru and sana habang wala ako kayo muna ang mag-alaga sa aking pinakamamahal. Because I trust Ruru and he deserves wherever he is now.”
May sagot din si Bianca sa tanong kung posible ba siyang magkaroon ng cameo role sa hit action series ni Ruru na Black Rider.
“Secret. Bakit hindi? Posibleng mangyari, posibleng hindi, pero posible rin,” nakangiting sinabi ni Bianca.
RELATED GALLERY: #RuCa: Ruru Madrid and Bianca Umali's sweetest photos