
Maaga mang naulila sa mga magulang, nananatiling positibo ang pagtingin ni Kapuso actress Bianca Umali sa buhay, kung saan ngayon nakikita niya ito bilang lakas.
Sampung taon lamang noon ang aktres nang maulila sa mga magulang. Pumanaw ang kanyang ina dahil sa breast cancer at nawala naman ang kanyang ama dahil sa heart attack.
"I lost my mom to breast cancer when I was five. And I lost my dad to a heart attack when I was 10," kuwento ni Bianca kay Kara David para sa iListen.
Dahil limang taon lamang siya noon nang mawala ang ina, ani Bianca, mayroon na lamang siyang "flashes of memories" sa kanyang ina at mas marami siyang nabuong alaala sa kanyang ama.
"Mas marami akong memories of being really a daddy's girl na nakabuntot lang ako sa kanya hanggang sa office niya. But with my mom, since I was only five sa totoo lang po very kaunti lang, flashes of memories lang. Ang naging malinaw na rin po sa akin no'n was the times that she was already sick," sabi niya.
Naging bukas din si Bianca na ikuwento ang kanyang pamilya at iba pang mga kapatid sa kanyang ina at ama.
"The family tree is a bit complicated but I'd like to share. 'Yung mommy at 'yung daddy ko po were both married and they both had children of their own. Ang mommy ko po ay mayroong dalawang anak na babae sa kanyang unang asawa. At ang daddy ko naman po ay mayroong anak na tatlong lalaki at isang babae sa kanyang unang asawa."
Ayon kay Bianca, "more of a modern family" ang kanilang naging setup.
"When they were both separated sa mga una po nilang pamilya, when they met, ako lang po ang naging bunga. But growing up we were all raised in one roof," dagdag niya.
Nang pumanaw ang kanyang ama ay naiwan si Bianca sa kanyang lola.
"'Yung siblings ko po because they had their parents, they all went to... like 'yung dalawang ate ko po sa mommy, umuwi po sila sa daddy nila when our mommy passed away. At ang mga kapatid ko naman sa daddy ko, umuwi po sa mommy nila when my dad passed away. Kaya po ako naiwan sa lola ko."
Nagbalik-tanaw rin si Bianca noong panahong naiwan siya sa kanyang lola nang nawala ang kanyang ama.
"When my siblings went na to their respective parents, nang naiwan po ako sa bahay ng lola ko, if I remember correctly, it was more being in shock of 'Okay, what's next?' Because parang I didn't have options also. I didn't have people who are pillars of my life beside me at all. It was really, 'Dito ako, kasama ng lola ko.'
"The processing of it po sa utak ko noong mga panahon na 'yon, it was very difficult to articulate and it was very difficult to figure out on your own.
"'Yung mga kuwento po ng mga pinsan na kasama ko rin po sa bahay ng lola ko noong mga panahon na 'yon, they would tell me how quiet I was. How they were afraid na baka I was depressed or maybe I was going through trauma.
"Nakita ko po kasi sila pareho sa last breath nila, both parents. And so I think, I mean for a five-year-old and then a 10-year-old to process that, hindi po 'yon madali, to get over of especially at that time.
Lumaki si Bianca sa pangangalaga ng kanyang lola kasama ang iba pa nitong mga apo.
"Lumaki po ako sa loob ng bahay ng lola ko kung saan kami po ay umabot na 15 kaming mga apo na babae under her care. 'Yung iba pong mga magulang ay nasa Amerika, 'yung iba naman po ay incapable of supporting pa the children kaya 'yung lola ko po ay took all of us."
Ngayon ay nasa edad 89 na ang lola ni Bianca. Aniya, "She is still as strong as ever. Still beautiful.
"Palagi ko nga pong sinasabi, ang lola ko po ang tunay na Sang'gre. Iba talaga siya. Iba po 'yung lakas niya. Iba 'yung lakas niya kapag nasa loob siya ng bahay niya, kapag nagtatanim siya, kapag siya 'yung nag-aasikaso sa amin. It's as if she really brought it upon herself the responsibility of taking care of all us."
Para sa aktres, "superhero" nilang lahat ang kanilang lola dahil sa buong pusong pag-aaruga nito sa kanila.
Hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang pag-cope ni Bianca sa maagang pagkawala ng kanyang mga magulang.
"Hanggang ngayon, I'm still slowly understanding na 'Ah, ito pala 'yung sakit noon, ito pala 'yung pain, ito pala 'yung grief that I was going through. I think the pain becomes clearer as I grow up and as I go through the different faces and achievements of my life...
"And admittedly, transparent naman po ako roon na when I was younger also, I would think and look at other children's lives seeing them having a mom, seeing them having a dad. And so I didn't also know if it was okay to share, 'Ano ba 'yung nararamdaman ko? Okay lang bang umiyak? Okay lang bang sumaya?' I was lost."
Ayon kay Bianca, lumilinaw lang sa kanya ang sitwasyon sa buhay ngayong tumatanda na siya.
"And it will never not be there. But. I think it's also why I can be open about it now. Because now I see it as a strength. I thought that, 'Oo, nakakalungkot man 'yung nangyari, as people would say sa akin nu'ng bata ako.' But how I see it now is that I can express it because it's a strength of mine.
"I know that with the passing of both my mommy and my daddy, may rason po 'yon, naniniwala ako. Naniniwala po ako na hindi po ako ilalagay ng Diyos kung nasaan po ako ngayon kung hindi po ako karapat-dapat na nandito."
Panoorin ang buong interview ni Bianca Umali sa iListen dito: