What's Hot

Bianca Umali, umaming nakakaramdam ng pressure sa 'Wish I May'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 26, 2020 7:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Thunder confident in another bounce-back effort in Game 2 vs. Spurs
REP taps Nelsito Gomez to direct Nonie Buencamino's musical theater comeback in 'Man of La Mancha'
Hot water poured on cat in NegOcc; justice sought

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Bianca na nakakaramdam siya ng pressure dahil ang susundan nilang serye ay 'The Half Sisters' na consistent ang panalo sa ratings.


By MARAH RUIZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Transition na para sa isang mas dramatic na role ang upcoming GMA Afternoon Prime series na Wish I May para kay Bianca Umali.

Nabanggit na ng young Kapuso actress noon na isang bagong side na medyo malalayo ng kaunti sa mga ginampanan niyang roles noon ang ipakikita niya sa bagong drama.

READ: Abangan ang bagong Bianca Umali sa 'Wish I May'

"Halong cute teen, pero this time meron na siyang halong medyo—I'm not sure if it's correct that you call it bitter. Pero parang meron siyang halong pain, inner pain," bahagi ni Bianca tungkol sa katauhan ng karakter niyang si Carina sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com.

Paano naman niya inilalabas ang inner pain na ito ni Carina?

"In a lot of ways, actually. Hindi lang from personal experiences, pero also from personal experiences noong character. Kasi maraming tinatago [kay Carina] eh. Marami siyang hindi alam, especially 'yung pagdating sa parents," paglalarawan niya sa karakter.

Aminado naman si Bianca na nakakaramdam ng pressure dahil ang susundan nilang serye ay The Half Sisters na consistent ang panalo sa ratings.

LOOK: 'Wish I May' press con

"May pressure, hindi naman talaga maaalis 'yun. Pero we don't think about it. What's important is that we do our best in everything, especially in acting for our roles," aniya.

Makakasama ni Bianca sa Wish I May sina Miguel Tanfelix, Camille Prats, Mark Anthony Fernandez, Rochelle Pangilinan, Alessandra de Rossi at marami pang iba.

Abangan ito sa January 18, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.