GMA Logo Bianca Umali
What's Hot

Bianca Umali sa publiko: 'Be confident with who you are'

By Dianara Alegre
Published July 30, 2020 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Pinaalalahanan ni Bianca Umali ang publiko na “nobody needs any validation from anyone to say how beautiful they are.”

Kamakailan ay nag-trending si Kapuso actress Bianca Umali sa social media platform na Twitter dahil sa isang photo niya sa Instagram.

Ayon sa aktres, hindi pa rin umano siya makapaniwala na magte-trending ang simpleng litrato niya. Bare faced at wet look ang peg ni Bianca sa naturang larawan.

“I was surprised kasi nagising na lang ako isang umaga and then my name was top trending on Twitter,” ani Bianca.

Source: bianxa (IG)

Magkahalong reaksyon kasi ang natanggap ng naturang litrato. Marami ang nagsabing glowing si Bianca at may ilan ding bumatikos dito.

Ngunit sa kabila ng mga natanggap na batikos, pinaalalahanan pa rin ng Halfworlds star ang publiko na maging confident sa kanilang mga sarili.

“Everyone is beautiful. Be confident with who you are, with how you are and nobody needs any validation from anyone to say how beautiful they are,” aniya.

Hindi rin naman pinabayaan si Bianca ng netizens na sumusuporta sa kanya at ipinagtanggol siya sa bashers. Kabilang na rin dito ang kanyang fellow Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.

Samantala, ibinahagi rin ni Bianca na habang naka-quarantine ay pinagtuunan niya ng atensyon ang kanyang sarili mula sa regular na pag-e-eherisyo at pagkain ng mga masusustansiyang pagkain.

“During the quarantine, I did actually focus on myself. Self-care. I work out daily and I also take care of the things I eat.

"Nag-filter ako ng lahat ng ini-intake ko and also a lot of yoga,” dagdag pa ng aktres.

Bukod sa pag-aalaga sa sarili, ibinahagi ni Bianca na ang kakaibang glow niya ngayon ay natamo niya sa pagiging masaya.

“Right now, I eat small meals frequently. Maya't maya ako kumakain pero konti-konti lang.

"Actually hindi lang healthier, e. I would say na the glow we see after everyone takes care of themselves is 'yung happiness nila. And I think 'yun 'yung masasabi ko na na-achieve ko,” sabi pa niya.