
Pak na pak ang Kapuso ArtisTambayan natin today dahil makakasama n'yo ang mga primetime heroes ng nangunguna at hindi mapantayan na The Master Cutter at Taskforce Firewall ng GMA Prime.
Maki-bonding kina Charlie Fleming, Jo Berry, at Kuya Kurt ng The Master Cutter at makipagkwentuhan mga bida ng Taskforce Firewall na sina Kyline Alcantara, Buboy Villar, Lexi Gonzales, at Cheska Fausto.
Ano ang mangyayari sa misyon ni Atoy (Dingdong Dantes)? Magkikita na kaya uli sila ni Audrey (Max Collins)?
Samantala, masusubukan naman ang team nina Galo (Miguel Tanfelix) at Isa (Kylie Padilla) sa susunod nilang high-risk operation para mapigilan ang cybercrime sa bansa.
Alamin ang mga exciting twist at exclusive update tungkol sa mga high-rating GMA Prime series sa Kapuso ArtisTambayan hosted by Maey Bautista. Streaming on the GMA Network Facebook page sa oras na 5:00 p.m. ngayong hapon!
RELATED CONTENT: MEET THE ALL-STAR CASTS OF THE MASTER CUTTER AND TASKFORCE FIREWALL