GMA Logo Beauty Gonzalez, Mike Tan, Kris Bernal, Kayla Davies, Angel Cadao
Courtesy: GMA, House of Lies
What's on TV

Biggest secret sa 'House of Lies' viewers, mabubunyag na

By EJ Chua
Published April 23, 2026 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE: VP Sara Duterte defense team press conference (Apr. 22, 2026) | GMA News
Binibining Pilipinas introduces new delegate after Makati City representative withdraws
Bangusine 2026 draws crowd to Dagupan food showcase

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez, Mike Tan, Kris Bernal, Kayla Davies, Angel Cadao


Muling magkakagulo ang Torrecampo family! Huwag palampasin ang pasabog na mga eksena ngayong Huwebes sa 'House of Lies.'

Kaabang-abang ang mga eksenang mapapanood ngayong Huwebes, April 23, sa intense drama na House of Lies.

Wala nang makakapigil kay Manang Yolly (Tanya Gomez) sa paglantad ng biggest secret nina Thea (Kris Bernal) at Paolo (Mike Tan). Ibubunyag na niya kay Marj (Beauty Gonzalez) na anak nina Thea (Kris Bernal) at Paolo (Mike Tan) si Ashley (Angel Cadao) at labis itong ikagugulat at ikagagalit ng una.

Isang malaking gulo na naman ang mangyayari sa pagitan ng Torrecampo family na tiyak na makakapagpagigil sa mga manonood lalo na sa fans ni Marj.

Sa teaser na inilabas ng serye, ipinasilip ang mga eksenang dapat abangan ngayong Huwebes ng hapon, April 23.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga taong walang alam sa sikretong matagal na itinago nina Thea at Paolo?

Matanggap kaya nina Ashley (Angel Cadao) at Jasmine (Kayla Davies) ang pagiging magkapatid nila?

Sino pa kaya ang may alam ng pinakamalaking sikreto na ito?

Samantala, sa likod ng intense scenes ay ang makulit na bonding moments sa set ng serye.


Patuloy na tumutok sa intense drama na House of Lies, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GMA Play.