GMA Logo Johann Chua and Geona Gregorio
What's on TV

Billiards champions Johann Chua and Geona Gregorio share the success of 'Bolera' in the billiards community

By Aimee Anoc
Published August 9, 2022 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Johann Chua and Geona Gregorio


Ang billiards champions na sina Johann Chua at Geona Gregorio ang nagsilbing game designers at coaches ng cast ng 'Bolera.'

Masayang ibinahagi nina billiards champions Johann Chua at Geona Gregorio ang tagumpay na dala ng kauna-unahang sports drama series ng GMA, ang Bolera, sa larangan ng billiards sa bansa.

Sina Johann at Geona ang nagsilbing game designers at coaches ng cast ng Bolera.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Geona ang naging "impact" ng serye sa billiards community.

"Naging successful din 'yung 'Bolera' since sa billiards community... lalo na kapag babae 'yung naglalaro tawag na nila bolera 'e so parang medyo tumatak na rin siya. Maganda 'yung naging impact niya sa billiards community namin," sabi niya.

Dagdag naman ni Johann, "Yes po, sa bilyaran talaga lalo sa mga babae, sobrang malaking impact talaga sa kanila 'to kasi mas nagkakaroon na ng mga tournament sa babae ngayon. Mas marami ng sumasali na rati hindi makabuo ng 32 players, ngayon more than 64 players pa 'yung nabubuo nila. So malaking bagay talaga sa amin 'yun."

Sa interview, ibinahagi rin nina Johann at Geona ang mensahe para sa mga kabataan at kababaihang gusto ring pasukin ang mundo ng billiards.

"'Yung una sa lahat 'wag niyo kalilimutang mag-aral kasi 'yung billiards nariyan lang 'yan, 'yung pag-aaral hindi 'yan nababalik ng oras kapag napaglipasan ka na. Mag-aral kayo nang mabuti. Mas more on sumunod tayo sa mga nakatatanda sa atin kasi at the end of the day sila pa rin 'yung magsasabi at magtuturo sa tamang daan ng buhay," paalala ni Johann.

Ang payo naman ni coach Geona, "Sana kapag na-[realize] nila na kung gusto rin talaga nila 'yung craft ituloy-tuloy nila. Kasi actually medyo mahirap siya lalo na kapag gusto mong mag-improve talaga. Tapos kapag naroon ka na sa point na... kasi kapag araw-araw siyang nilalaro minsan nakakapagod."

Abangan ang huling tatlong linggo ng Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG BOLERA RITO: