
Handa na muling gumawa ng ingay sa international scene ang multi-talented performer at The Wall Philippines host na si Billy Crawford sa kanyang pagsali sa dance competition TV program na Dancing with the Stars sa France.
Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Billy, ikinuwento niya kung paano siya natanggap sa nasabing programa. Dito ay inihambing din ni Billy ang kanyang pagbabalik sa France sa kanyang naging pagbabalik din sa GMA Network ngayong taon.
Kuwento niya, "Well, last time din akong pumunta ng France was 20 years ago rin, siguro sa akin if you still have good relationships kasi with anybody kahit sino, perfect example itong GMA and Viva, maganda naman ang relationship ko with my management, and sa GMA, maganda rin ang relationship ko sa kanila even kahit nagtrabaho pa ako sa ibang mga network."
"'Yun 'yung nahanap ko pa rin kahit sa France, I found my family in showbiz and entertainment world and nung sinabi nila na, 'Why don't you audition for dancing with the stars?,' and nabigyan ako ng opportunity ng TF1 which is the network there, 'yun sinabi nila, 'Sige audition ka tingnan natin 'yung rehistro mo pa rin sa TV,' It's been 20 years and awa ng Diyos natanggap ulit ako and ito na naman ako namomroblema dahil gagawin ko 'yung The Wall Philippines habang sumasabak sa Dancing with the Stars doon sa ibang bansa," masayang ibinahagi ni Billy.
Ang nasabing dance competition ay magsisimula nang mapanood ngayong September 9 sa TF1 na media network sa France. Makakakasama dito ni Billy ang ilan pang mga sikat na dancer at performer mula sa iba't ibang mga bansa.
Samantala, mapapanood din si Billy sa The Wall Philippines, tuwing Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.
SILIPIN NAMAN ANG MASAYANG PAMILYA NI BILLY AT NG KANYANG ASAWA NA SI COLEEN GARCIA SA GALLERY NA ITO: