
Isang buong linggo na mapapanood ang Tiktropa nating si Billy Crawford sa TiktoClock!
Simula ngayong Lunes, June 19, sasama sa happy time at pamimigay ng blessings nina Pokwang, Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, at Jayson Gainza si Billy.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Si Billy ay napanood na rin sa TiktoClock nitong Biyernes kung saan nagpasalamat siya sa pag-welcome sa kaniya ng GMA Network. Mapapanood si Billy soon bilang coach sa The Voice Generations.
Saad ni Billy sa TiktoClock, "Nu'ng lahat nagkakagulo, hindi alam kung saan pupunta, naging welcome pa rin ang GMA para sa akin. I love you guys, salamat ng marami."
Abangan si Billy sa TiktoClock, 11:15 a.m. sa GMA Network at sa livestream via GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page.
SAMANTALA, BALIKAN ANG SUMMER PHOTO SHOOT NG TIKTOCLOCK HOSTS DITO: