
Hindi itinago ni Billy Crawford na threatened siya sa Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda bilang kapwa niya coach sa The Voice Generations.
Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, June 30, tinanong ng batikang TV host na si Boy Abunda si Billy kung sino sa mga co-coaches niya sa The Voice Generations na sina Chito, Julie Anne San Jose, at Stell, siya pinaka-threatened.
Inamin naman ni Billy na kay Chito nga siya pinakakinakabahan. Tanong naman ni Boy, “Bakit si Chito ang binabantayan mo?”
Paliwanag ni Billy, itinuturing niya si Chito bilang pinakabatikan sa kanilang apat, at aminado siyang isa siya sa mga taga-hanga nito.
Aniya, “E, siya 'yung pinaka-experienced sa aming lahat and you know what, I've always been a fan and 'yun 'yung dapat mong kinakatakutan, 'yung hinahangaan mo.”
Sumang-ayon naman dito si Boy, “Malalim at ang hirap basahin.”
Biro naman ni Billy, “Yes. Well, nababasa kita Chito, nababasa kita. Alam ko kung saan ka nakatira at kilala ko ang pamilya mo.”
Paglalahad pa ng multi-talented performer, hanga rin siya sa pagiging mabuting tao ni Chito.
“Pero what I love about Chito, sa totoo lang, is he is a kid at heart, super down to earth. He is the walking man of humility ika nga but super successful,” ani Billy.
SAMANTALA, KILALANIN ANG THE VOICE GENERATIONS COACHES SA GALLERY NA ITO: