
Itinuturing na big career move ni Billy Crawford ang kaniyang pagbabalik Kapuso bilang host ng international game show na The Wall Philippines na mapapanood na ngayong August 28. Masaya naman si Billy na suportado ng kanyang asawa na si Coleen Garcia ang bagong chapter na ito sa kaniyang showbiz career.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Billy, ibinahagi rin niya ang ilan sa mga pagbabago sa kaniyang buhay simula nang siya ay magkaroon ng sariling pamilya.
Kuwento niya, "Ang nagbago sa akin honestly is 'yung pananaw ko sa buhay. I don't take as many risks anymore like before, kasi mas mahalaga na 'yung buhay dahil may pamilya [na] ako 'yung I want to live a long time for my family.
Aminado rin si Billy na tinalikuran niya na ang pagbibisyo at mas naging focus niya ang pagtatrabaho simula nang siya ay maging padre de pamilya.
Aniya, "Siguro 'yung attitude ko like hindi na ako umiinom ng alcohol, hindi ako nagsisigarilyo, nawala 'yung bisyo, nawala 'yung pagbabarkada, alam mo 'yun? I focused on what was important and 'yung pinaka-importante is meron na akong pamilya. I have to put my best foot forward.
Ngayong Linggo, August 28, nakatakdang magsimula ang The Wall Philippines na maituturing na grand comeback ni Billy sa GMA Network matapos ang halos dalawang dekada.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NINA BILLY AT COLEEN KASAMA ANG ANAK NILA NA SI AMARI SA GALLERY NA ITO: