GMA Logo Bimby Aquino Yap, Erin Diaz
Celebrity Life

Bimby Aquino Yap takes on the 'BF for a Day' challenge with Erin Diaz

By EJ Chua
Published July 6, 2024 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Bimby Aquino Yap, Erin Diaz


Kinakikiligan ngayon ng netizens ang anak ni Kris Aquino na si Bimby at anak ni Ogie Diaz na si Erin.

Usap-usapan ngayon sa social media sina Erin Diaz at Bimby Aquino Yap.

Si Erin ay anak nina Ogie Diaz at Georgette Del Rosario, habang si Bimby naman ay anak ng former couple na sina Kris Aquino at James Yap.

Sa isang vlog, tinanggap ni Bimby ang pa “Boyfriend for a day” challenge sa kanya ni Erin.

Sa unang parte ng video, nilinaw ng dalawa na katuwaan lang ang lahat ng mangyayari sa kanilang date dahil 17 years old pa lang si Bimby.

Isinama ni Bimby si Erin sa Disneyland at Disneyland California Adventure kung saan nila ginawa ang challenge.

Napagkasunduan ng dalawa na “Honey” ang pansamantala nilang tawagan at isa ito sa mga kinakiligan ng netizens.

Isa sa sweet lines ni Bimby kay Erin, “Ang ganda-ganda ng first girlfriend ko. Comes from a good family pa.”

Ilang rides ang sabay nilang sinubukan sa sikat na amusement park at kapansin-pansin na sobrang komportable sila sa isa't isa.

Sa huling parte ng vlog, sweet na inabot ni Bimby ang isang souvenir gift kay Erin.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa vlog nina Erin at Bimby:

Samantala, kasama ni Erin ang kanyang ama na si Ogie Diaz na nagpunta sa United States para sa bisitahin si Kris Aquino.

Bukod dito, nagkaroon din ng pagkakataon si Ogie na ma-interview si Kris tungkol sa kasalukuyang health condition nito.

Related gallery: Young Kris Aquino has the internet swooning with throwback
pics and videos