GMA Logo Binibining Marikit Herlene Budol
PHOTO SOURCE: GMA Integrated News
What's on TV

'Binibining Marikit' cast and crew, tumawid ng ilog para sa taping

By Maine Aquino
Published October 30, 2024 2:29 PM PHT
Updated January 30, 2025 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Binibining Marikit Herlene Budol


Saad ni Herlene Budol: "Lahat ng klase ng ilog tatawirin ko para lang dito sa 'Binibining Marikit.'"

Napasabak ang cast ang crew ng upcoming ng GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit sa isang adventure para makarating sa kanilang taping.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ipinakita ang naranasan ng cast ang crew ng Binibining Marikit na pagtawid ng ilog sa Tanay, Rizal para makapunta ng kanilang taping location.

Ang Binibining Marikit ay ang seryeng pagsasamahan ng TiktoClock hosts na sina Herlene Budol at Pokwang. Makakasama rin nila dito sina Cris Villanueva, Almira Muhlach, Thea Tolentino, Dr. Rob Walcher, Ashley Rivera, John Feir, Jeff Moses, at Migs Almendras. Ito ay sa direksyon ni Jorron Lee Monroy at mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group.

PHOTO SOURCE: GMA Integrated News

Saad ng lead star ng serye na si Herlene Budol, "Lahat ng klase ng ilog tatawirin ko para lang dito sa Binibining Marikit."

Inilahad pa ni Herlene na tumaas ang tubig kaya kinailangan muna nilang maghintay para masigurong safe sila sa pagtawid.

"Kanina naulan ng naulan, medyo tumaas 'yung ilog so parang na-delay kami. Siyempre hindi naman namin isasaalang-alang ang kapakanan ng lahat kaya hinintay namin bumaba bago kami lumaban ulit."

Ikinuwento naman ni Thea Tolentino na nakuhanan pa niya ng video si Herlene na nakasabit sa jeep.

Ani Thea, "Si Herlene sumabit doon sa jeep. Na-videohan ko siya, nag-e-enjoy siya habang lubak lubak 'yung daan at nakasabit sa jeep si Herlene."

RELATED GALLERY: Career highlights of Herlene Budol

Isa pa sa mga ibinahagi ni Herlene ay ang pagbibigay buhay sa karakter niyang si Ikit at ang pagdiskubre niya ng bagong lugar sa Rizal.

"Feeling ko ako na talaga si Ikit. Talagang nasa pagkatao ko na si Ikit at na-vibes ko na 'yung lugar."

Dugtong pa ni Herlene, "Grabe pala ang Rizal, marami pang itinatago. Kasi ako, taga-Angono, Rizal ako. Akala ko alam ko na lahat sa Rizal. Marami pa pala akong hindi nadi-discover na mga lugar dito."

SAMANTALA, BALIKAN ANG BIRTHDAY PHOTO SHOOT NI HERLENE DITO: