
Sa episode ng GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit noong Biyernes, June 6, inamin na ni Drew (Tony Labrusca) ang kanyang feelings kay Ikit (Herlene Budol).
Hindi na pinalagpas ni Drew ang pagkakataon para malaman ni Ikit ang tunay niyang nararamdaman matapos ilang beses naudlot ang kanyang pag-amin.
Tila nabunutan ng tinik si Drew matapos mag-confess kay Ikit.
Tinawag naman ni Ikit si Drew na "superhero" at pinuri dahil sa kabutihan nito. Subalit, tila hindi tanggap ni Ikit ang rebelasyon ni Drew.
Ayaw marinig ni Drew ang sasabihin ni Ikit kaya pinatigil niya ito sa pagsasalita.
Samantala, nagkaroon na ng hinuha si Ikit tungkol sa motibo ng kanyang abogado na si Pia (Klea Pineda).
Gustong makipagkita ni Pia kay Ikit para kausapin ito tungkol sa mga itinatago nina Soraya (Pinky Amador) at Angela (Thea Tolentino) pero pipigilan siya ni Matthew (Kevin Dasom).
Masabi pa kaya ni Pia ang katotohanan kay Ikit?
Patuloy na subaybayan ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
Related content: The fashionable fits of the cast of Binibining Marikit