
Matapos kainisan sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang Moira, nagbabalik si Pinky Amador sa GMA Afternoon Prime via Binibining Marikit.
Kuha pa rin niya ang gigil ng viewers dahil sa kanyang pagiging epektibong kontrabida.
Sa Binibining Marikit, ginagampanan niya ang karakter ni Soraya. Very manipulative and conniving woman si Soraya na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya. Sa panlabas, sopistikada at elegante si Soraya pero, deep inside, malisyoso at may tinatago siyang masamang hangarin. Siya ang nakatatandang kapatid ng namayapang si Rica (Almira Muhlach).
Si Soraya ang pumalit kay Rica na nagpapahirap sa buhay ng bida ng serye na si Ikit, na ginagampanan ni Herlene Budol. Naghihiganti siya sa pagkamatay ng kanyang kapatid kahit pa walang kasalanan si Ikit dito.
Base sa mga komento ng netizens, nauugnay pa rin nila si Soraya sa popular na TV character ni Pinky na si Moira dahil parehong nakakadala ang kanilang mga eksena bilang kontrabida.
"Kahit kailan talaga buwesit ka Moira," ani ng isang Facebook commenter.
Gayunpaman, sa kabila ng kanyang mga nakakagigil na eksena, marami rin ang humahanga sa batikang aktres na walang kupas ang husay sa pag-arte. Pinuri rin ang aktres na si Thea Tolentino, na isa sa mga magagaling na kontrabida ng Sparkle.
"Magagaling na artista!!! Ms Pinky and Ms Thea!" sabi sa isang comment.
Mapapanood ang Binibining Marikit weekdays, 4:00 p.m. sa GMA-7.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream na available sa GMANetwork.com, at sa official YouTube channel at Facebook page ng GMA Network.
Related gallery: Get to know actress Pinky Amador