
Sa pagbubukas pa lang ng ikatlong linggo ng Binibining Marikit, marami na itong mga eksenang kaabang-abang!
Sa nakaraang episode ng GMA Afternoon Prime series, nahulog na ang loob ni Ikit (Herlene Budol) sa ka-chat niya sa dating app na nagpakilalang Viktor.
Hindi alam ni Ikit, peke ang kanyang kausap na nagpapanggap na isang foreigner, na AFAM kung kanyang tawagin. Gawa-gawa lang ito ni Angela (Thea Tolentino) para huthutan ng pera ang dalaga.
Nadala naman sa mga matatamis na salita si Ikit kaya madali siyang tinamaan sa kanyang ka-chat.
Binalaan na siya ng kanyang ama si Gani (Cris Villanueva) tungkol dito pero pilit pa ring ipinagtatanggol ng kanyang anak si Viktor lalo na noong sinabi nitong willing itong umuwi ng Pilipinas para makasama ang dalaga.
Patuloy bang magpapaloko si Ikit?
Patuloy na subaybayan ang Binibining Marikit Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.
Related gallery: Herlene Budol, may inamin sa 'Binibining Marikit' mediacon: 'Napakasuwerte ko'