What's on TV

Binibining Marikit: Soraya, nakarma na!

Published June 15, 2025 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No jackpot winners in May 12, 2026 major lotto draws - PCSO
BFAR-11 steps up to help Davao City fisherfolk amid El NiƱo threat
Here are the winners of The Miss Philippines 2026

Article Inside Page


Showbiz News

binibining marikit


Sa GMA Afternoon Prime series na 'Binibining Marikit', bumwelta na sina Ikit (Herlene Budol) at May (Pokwang) kay Soraya (Pinky Amador).

Sa episode ng GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit noong Biyernes, June 13, gumanti na sina Ikit (Herlene Budol) at May (Pokwang) kay Soraya (Pinky Soraya).

Matapos ang habulan sa isang warehouse, nagtamo ng brain injury si Soraya nang mabagsakan ng bakal sa ulo.

Ayon sa doktor, successful naman ang surgery ni Soraya pero malabo na itong maka-recover at makabalik sa dati.

Gusto nina Ikit at May na pagdusahan ni Soraya ang lahat ng kanyang kasalanan sa kulungan. Gayunpaman, nanaig ang kanilang pagiging makatao dahil nag-alala din sila kay Soraya matapos ang aksidente.

Samantala, patuloy ang pagdamay ni Drew (Tony Labrusca) kay Ikit. Ngayong wala nang threat sa buhay ni Ikit at manalo sa kanilang kaso, nais ni Drew na ipagpatuloy ang panliligaw sa dalaga.

Patuloy na subaybayan ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.

The fashionable fits of the cast of Binibining Marikit: