GMA Logo Binibining Pilipinas beauty and body shot leaderboard
Photo source: @nustaronline
What's Hot

Binibining Pilipinas beauty and body shot leaderboard, inilabas

By Ron Lim
Published June 27, 2026 12:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dog in Southern Leyte goes viral for unusual appearance
Dispute over pastil? Iloilo teacher admits making threat
Ellen Adarna goes on a Maldives vacation with kids

Article Inside Page


Showbiz News

Binibining Pilipinas beauty and body shot leaderboard


Makikita sa beauty at body shot leaderboard kung sino sa mga Binibining Pilipinas delegates ang nangunguna sa rankings.

Umiigting na ang labanan sa Binibining Pilipinas pageant ngayong inilabas na ng isa sa mga partner organizations nito ang leaderboard ng mga delegates, ngayong ilang linggo na lang bago ang coronation night.

Inilabas ng gaming platform an Nustar Online sa official Instagram account into ang beauty at body shot leaderboard ng mga candidates sa Binibining Pilipinas pageant ngayong taon.

Nangunguna sa top 10 ng beauty shots sina Mary Adeline Ramirez ng Malabon City, Zilanni Eve Rojas ng Zamboanga City, Kristeen Mia Lucero ng Bulacan, Christine Joelle Usaraga ng Cebu, at Georgette Nicole Coronation ng Carmona City sa top five.

Ang natitira naman sa top 10 ay sina Camille Bernadette Martin ng Cavite City, Samantha Marie Zabarte ng Dasmariñas, Britney Angel Rubino ng Antique, Gwyneth Jemimah Chan ng Cagayan de Oro City, at is Jarina Sandhu ng Isabela.

Samantala, ang nangunguna sa swimsuit body shot leaderboard ay si Britney Angel Rubino ng Antique. Kasunod niya ay si Ivy Padilla ng Misamis Oriental, Gwendoline Meliz Soriano ng Baguio City, Zilanni Eve Rojas ng Zamboanga City, at Anne Klein Castro ng Pampanga.

Nasa top six hanggang top 10 naman sila are Alisa Keith Irugin ng Cavite City, Ma. Kathrina Pauline Cudia ng Nueva Ecija, Gwyneth Jemimah Chan ng Cagayan de Oro City, Ivy Oresca ng Bicol Region, at Shara Maxine Barber ng Palawan.

A post shared by NUSTAR Online (@nustaronline)


Related gallery: The Binibining Pilipinas queens dazzle with their beauty shots


Noteworthy din ang pagkakasali ni Binibining Pilipinas candidate Gwendoline Meliz Soriano sa leaderboard dahil nauna na siyang ginawaran ng titulo na Miss SnowCaps Radiance noong launch ng partnership sa pagitan ng Binibining Pilipinas at glutathione brand na SnowCaps.

Sa isang interview with GMA Lifestyle pagkatapos ng announcement, ibinahagi ni Gwendoline ang mga saloobin niya kung bakit siya nanalo.

“If ang basis po natin is 'yung how we walk and how we presented ourselves, kasi we were able to speak, nakakatuwa. Maybe because of what I also said na true radiance really comes from within, and that's what I've been really holding onto, even before,” paliwanag niya. “When I show up, I really do so with courage, with confidence, even if I know that I am not perfect physically. It's really how I present myself, and hopefully, I get to radiate that confidence and radiance.”

Hindi rin lang mga photoshoots ang pinagkakaabalahan ng mga kandidata habang papalit na ang Binibining Pilipinas coronation night na gaganapin sa July 18 sa Smart Araneta Coliseum. Bilang parte ng kanilang advocacy work, binisita ng mga Binibining Pilipinas queens ang SOS Childrens Village Philippines.

Related gallery: Binibining Pilipinas delegates spend a day at SOS Childrens' Village Philippines



Magiging bahagi din ng 2026 Binibining Pilipinas national costume competition na gaganapin sa July 2, 2026, at 3:00 p.m. sa New Frontier Theater ang mga kandidata. Ayon sa Binibining Pilipinas, ang event ay magiging showcase ng “beauty, culture, and creativity of the Filipino spirit”.

A post shared by Binibining Pilipinas (@bbpilipinasofficial)


Ang 36 finalists ay naglalaban upang maging successor sa kasalukuyang Binibining Pilipinas International na si Katrina Anne Johnson.

Related gallery: The Binibining Pilipinas candidates bring the glam with their evening gowns