GMA Logo Ivy Padilla
Photo source: @bbpilipinasofficial
What's Hot

Binibining Pilipinas, inanunsyo ang pag-withdraw ng isang kandidata

By Ron Lim
Published June 30, 2026 4:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcoleta should face legal process in plunder case—Palace
Suspect in killing of 89-year-old woman in Iloilo arrested
Roi Vinzon on his son Anton's first lead role: 'Mas magaling ka sa akin'

Article Inside Page


Showbiz News

Ivy Padilla


Nag-withdraw si Binibini 36 Ivy Padilla sa Binibining Pilipinas pageant dahil sa “personal reasons.”

Higit dalawang linggo na lang ang natitira bago ang coronation night ng Binibining Pilipinas pageant, pero mukhang may malaking pagbabago pa ring nangyayari sa lineup nito.

Nag-announce ang Binibining Pilipinas organization sa kanilang official Instagram account na si Binibini 36, Ivy Padilla, ay hindi na parte ng kompetisyon dahil sa “personal reasons.” Sa announcement, isinaad ng organization na nirerespeto at sinusuportahan nila and desisyon ni Ivy, at inaasahan nila na irerespeto din ng mga tao ang privacy in Ivy.

Walang announcement na ibinigay ang Binibining Pilipinas organization kung magkakaroon ng kapalit si Ivy sa kompetisyon.

A post shared by Binibining Pilipinas (@bbpilipinasofficial)

Bago ang kanyang withdrawal mula sa kompetisyon, parte ng swimsuit body shot leaderboard ng Binibining Pilipinas pageant partner, Nustar Online, si Ivy. Gaganapin ang Binibining Pilipinas coronation night sa July 18 sa Smart Araneta Coliseum.

RELATED GALLERY: The Binibining Pilipinas candidates bring the glam with their evening
gowns

Ito na ang pangalawang pagkakataon kung saan nag-withdraw ang isang kandidata mula sa 2026 Binibining Pilipinas pageant. Noong April, nag-announce ang Binibining Pilipinas organization na papalitan ni Genesis Lanuza Durana si Nicole Sobria ng Makati, na umalis din sa competition “due to personal reasons.”

Sa caption sa announcement post, nagpahayag ng pasasalamat ang Binibining Pilipinas organization kay Nicole “for the grace and dedication she has shown,” at nagpahayag din ng kanilang excitement para sa “new chapter” ni Genesis kasama ang Binibining Pilipinas.

A post shared by Binibining Pilipinas (@bbpilipinasofficial)

Nangyari ang announcement ng Binibining Pilipinas organization isang buwan pagkatapos i-announce ng Miss Universe Philippines organization na isa sa mga delegates nito ay tinanggal dahil sa “certain behaviors” na pinagsabihan na ng organization.

Kalaunan ay na-reveal na ang natanggal na contestant ay si Imelda Schweighart, na nag-compete sa MGI All Stars pageant.

RELATED GALLERY: Check out the controversial events in this year's pageant scene