GMA Logo Hannah Precillas Mariane Osabel Rea Gen Villareal Lyka Estrella
What's on TV

Biritan ng Kapuso at Kapamilya divas, hinangaan ng madlang people

By Kristine Kang
Published August 21, 2024 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Hannah Precillas Mariane Osabel Rea Gen Villareal Lyka Estrella


Bigating kantahan ang ihinandog nina Hannah Precillas, Mariane Osabel, Rea Gen Villareal, at Lyka Estrella sa 'It's Showtime'

Isang makapanindig-balahibo na performance ang bumungad sa madlang people sa noontime program na It's Showtime nitong Miyerkules, August 21.

Maraming humanga at naaliw sa bigating opening special number ng apat na Kapuso at Kapamilya divas na sina Hannah Precillas, Mariane Osabel, Rea Gen Villalreal, at Lyka Estrella.

Sa umpisa pa lang ng kanilang performance, napakapit na sa kanilang mga upuan ang madlang people sa biritan nina Hannah at Rea Gen ng kanilang rendition ng "Someone's Always Saying Goodbye" ng dating OPM singer na si Allona. Maya-maya, sumunod naman ang nakakaantig na duet nina Mariane at Lyka sa kantang "Paalam Na" ni Rachel Alejandro.

Mas lumakas pa ang hiyawan ng madlang audience nang nagsama-sama na on-stage ang Kapuso at Kapamilya divas at kinanta ang emosyonal na awitin ni Ella Mae Saison na "Till My Heartaches End." Ramdam na ramdam daw ng netizens ang emosyon ng kanilang awitin at pinuri ang kanilang matamis at nakamamanghang blending.

"Sobrang galing ni'yo ladies! Ibang datingan," sabi ni Amy Perez.

Labis din ang tuwa ng divas na maka-duet ang isa't isa, lalo na't maraming fans ang naghiling na makita silang magkakasama.

"Grabe yung saya kasi nakikita ko na lagi mga video(s) namin pinagtatapat lang, pinagsasama lang ng fans. Ngayon, magkasama na talaga kami kaya sobrang happy ako na na-meet ko na sila," pahayag ng Kapuso OST Princess na si Hannah.

Dahil namangha sa kanilang performance, nais tuloy ng guest host na si Bela Padilla na sumama rin sa lineup ng divas.

"Gusto ko sumama sa kanila. Kami ni Kim next week," biro niya.

Hirit din ng mga host, dapat isama ang Ate girl ng It's Showtime na si Jackie Gonzaga sa kantahan.

"May kulang pa, may kulang pa dyan. Si Jackie, isama ni'yo si Jackie," biro ni Teddy Corpuz.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang highlights ng nakaraang "Tawag ng Tanghalan Kids" Season 2 grand finale sa gallery na ito.