GMA Logo Amy Perez
Photo by: @itsShowtimeNa X, It's Showtime YT
What's on TV

Amy Perez, nililista noon ang mga katangian ng 'the right one' niya?

By Kristine Kang
Published August 6, 2024 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Amy Perez


Alamin ang mga bilin ni Amy Perez at Vice Ganda tungkol sa pagpili ng kasintahan, dito.

Maliban sa nakatatawang moments ng It's Showtime family, marami rin ang naantig sa mga kuwentong pag-ibig at heartbreaks sa patok na segment "EXpecially For You" nitong Martes (August 6).

Pinag-usapan kasi ngayon ng mga host ang kahalagahan ng pagpili ng "the right one," lalo na't kung nakaranas ng matinding heartbreaks sa dating relasyon. Isang halimbawa sa topic ay ang tampok na searcher na si Gena. Dahil sa sakit at panloloko ng kanyang ex na si Maku, natutunan ni Gena na maghanap ng kasintahan na may commitment, financially stable, at madalas may time para sa kanya.

"Kasi 'di ba, lalo na sa pag-edad, 'pag nagma-mature ka rin, 'di ba dapat naging konkreto sa utak natin , 'Ano'ng gusto ko mangyari sa buhay ko. Ano ang gusto kong buhay after five years from now? Ano'ng dapat boyfriend na mga nararanasan ko? Ano'ng klaseng relationship ba na paulit-ulit ito? Ano ba klasing kaibigan ang dapat kong kahalubilo ko?'...Para hindi tayo magse-settle for less," paliwanag ni Vice Ganda.

Sumang-ayon din si Amy Perez at inamin pang naglista pa siya noon ng mga katangian na nais niyang makita sa kanyang magiging bagong partner. Natuto lang din daw kasi si Tiyang Amy sa kanyang dating relasyon noon.

"'Di ba I had a failed marriage noong una. Na-feeling ko talaga lahat iyon minadali ko. Sinabi ko na kasi gusto ko ganito, dapat sa edad na ito mag-aasawa na ako. So noong after that, ang dami kong naging mga roller coaster na mga emotions na iba-iba until napagod ako. Sinabi ko, 'Ay isusulat ko 'yan sa index card kung ano 'yung katangian ng lalaki na gusto kong ipadala ni Lord para sa akin na makikilala ko,'" kuwento niya.

Hinikayat din ni Tiyang Amy ang ex-couple na pwede nila itong gawin para mas magabayan nila ang kanilang sarili.

"Isulat nila iyon para mga natutunan n'yo in the past, mga relationship n'yo, para hindi na maulit-ulit and this time you will be good to each other," sabi ni Tiyang Amy.

Dagdag din ng Unkabogable Star na dapat mas mapili na raw sa mga partner ayon sa mga gustong katangain.

"At tsaka habang tumatanda tayo, dapat nagiging mapili rin tayo. If you know yourself, you would know what you deserve," bilin ni Vice.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang nakakakilig na moments nina Michelle Dee at Oliver Moellers sa ''EXpecially for You'' sa gallery na ito: