GMA Logo Black Lipstick in I Heart Movies digital channel
What's on TV

'Black Lipstick' starring Kyline Alcantara, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published May 25, 2026 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP to act on any request to revoke Bato dela Rosa's gun license
PH fast food chain teams up with popular mobile game in new campaign for gamers
Girl falls into river; swept away by floodwaters in Davao City

Article Inside Page


Showbiz News

Black Lipstick in I Heart Movies digital channel


Kabilang ang 'Black Lipstick' ni Kyline Alcantara sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Sabayan ang pagtuklas ng isang dalagita sa kahalagahan ng pagmamahal at pagtanggap sa sarili sa pelikulang Black Lipstick.

Isa ito sa mga pelikulang mapapanood ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Ang Black Lipstick ay reimagining ng hit 1986 film na Blusang Itim at updated ito para sa kabataan ngayon.

Tampok dito si Kapuso actress Kyline Alcantara bilang Ikay, isang teenager na may kundisyong vitiligo kung saan tila patsi-patsi ang kulay ng kanyang balat.

Dahil sa kundisyong ito, nakararanas si Ikay ng bullying sa kanilang eskuwelahan at maging sa social media accounts niya.

Makakahanap siya ng isang mahiwagang itim na lipstick na may kapangyarihang magbigay sa kanya ng flawless na balat.

Bubuo si Ikay ng panibagong persona, ang social media influencer na si Jessie. Pero gaano katagal niya kayang pangatawanan ang double life na ito?

Kasama ni Kyline Alcantara sa Black Lipstick sina Migo Adecer, Manolo Pedrosa, at Snooky Serna na bahagi ng orihinal na pelikulang Blusang Itim.

Huwag palampasin ang Black Lipstick, May 27, 10:20 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mahilig sa romantic comedies, nariyan ang My Lady Boss na pinagbidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Gaganap siya rito bilang Evelyn, ang workaholic at istriktong brand manager ng isang kumpanya. Papasok sa buhay niya si Zach, role ni Richard Gutierrez, na isang rich boy na napilitang maghanap ng trabaho matapos pumalpak sa kumpanyang siya mismo ang nagtayo.

Abangan ang kanilang kilig na istorya sa My Lady Boss sa May 30, 8:00 pm sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.