
Malapit nang mapanood sa Abot-Kamay Na Pangarap ang ilang Black Rider stars.
Bago ito, usap-usapan ngayon sa social media ang funny at kulitan moments ng Black Rider stars sa set ng naturang hit GMA medical drama series.
Habang nasa taping, tila na-e-enjoy ng mga aktor ng dalawang programa ang pakikipagtrabaho nila sa isa't isa.
Sa isang online exclusive video, napuno ng tawanan sa set ng Abot-Kamay Na Pangarap habang magka-eksena sina Doc Analyn (Jillian Ward) at Oka (Empoy Marquez).
Bukod sa kanila, naroon din si Pretty (Herlene Budol).
Mapapanood sa video na hindi pa man nagsasalita si Oka, natatawa na kaagad si Doc Analyn.
Ilang beses mang umulit sa pagkuha sa eksena, mapapansin na pati ang production team ay naaaliw sa kulitan ng mga aktor.
Sa comments section ng video, mababasa ang positive comments at reactions ng netizens at viewers.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 111,000 views ang blooper video sa Facebook.
Abangan sina Ruru Madrid, Empoy Marquez, at Herlene Budol ngayong linggo sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Samantala, patuloy na tumutok sa pinag-uusapang afternoon series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: