GMA Logo Ruru Madrid, Jillian Ward
Source: gmanews/YT
What's on TV

Ruru Madrid, Jillian Ward, honored na maging parte ng kani-kanilang mga serye

By Kristian Eric Javier
Published April 23, 2024 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid, Jillian Ward


Abangan ang pagkikita nina Ruru Madrid at Jillian Ward sa kani-kanilang mga serye.

Excited na ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Jillian Ward para sa nalalapit na crossover ng kanilang mga serye na Black Rider at Abot-Kamay na Pangarap. Kaabang-abang ang upcoming episodes ng dalawang serye dahil mapapasabak sa medical terms si Elias, at sa action scenes naman si Doktora Analyn.

Magsisimula ang crossover ng kanilang mga serye sa Black Rider, Miyerkules ng gabi, at magpapatuloy naman sa Abot-Kamay na Pangarap ng Huwebes ng hapon.

Sa interview nila kay Aubrey Carampel sa 24 Oras, ikinuwento nina Ruru at Jillian kung papaano magkikita ang kani-kanilang mga karakter na sina Elias at Analyn.

“Kinailangan kong sumugod sa ospital na APEX at sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na lang may tumambang sa amin,” kuwento ni Ruru.

Ayon naman kay Jillian, “Sa eksena naman po, gusto lang naman kumain ni Analyn ng mami, ng pares, nadamay siya sa barilan. Hay naku, Black Rider.

Ayon sa dalawang Kapuso stars, isang karangalan na maging bahagi sila ng kani-kanilang pinagbibidahang mga serye, lalo na at pareho itong nangunguna sa Primetime at Afternoon Prime ng GMA.

“Narinig ko 'yung mga medical terms na sinasabi niya, at the same time na-experience niya (Jillian) 'yung mga pagsabog, mga fight scenes,” ani Ruru.

Dagdag pa ng aktor, “Nakakatuwa na nag-cross-over ang 'BR' at ang 'Abot-Kamay na Pangarap.'”

Ayon naman sa Star of the New Gen, “Na-experience ko ang Black Rider na grabe, sobrang intense! Nakakapagod sa taping nila.”

BALIKAN ANG MGA SOCIAL MEDIA STARS NA NAG-CROSSOVER SA KAPUSO SERIES SA GALLERY NA ITO:

Samantala, mas inspired umano ang Primetime Action Hero ngayon dahil bukod sa mga bagong karakter na makakasama nila sa serye, ay pinangaralan din ang Black Rider ng Bronze Medal sa 2024 New York Festival for TV and Film Awards.

“Sobrang nakakataba ng puso na mabigyan po ng ganitong klaseng award at hindi laman po dito sa ating bansa, also sa New York pa,” Ani Ruru.

“We're very happy at ito po ay magsisilbing lakas para po sa amin para ipagpatuloy po namin ang aming ginagawa, paghuhusayan namin,” pagtatapos niya.

Panoorin ang buong interview nila dito: