Article Inside Page
Showbiz News
“Kung dati, holding hands lang. Ngayon, maghahalikan na kami” - Bobby Andrews
By BEA RODRIGUEZ
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
“Kung dati, holding hands lang. Ngayon, maghahalikan na kami. (laughs),” ito ang pahayag ng Kapuso star na si Bobby Andrews sa kanyang pagbabalik-tambalan kay Angelu de Leon.
Isa sa pinakasikat na love teams noong 90s ang kina Bobby at Angelu nang makapareha nila ang isa’t isa sa youth-oriented drama series na
T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado).
Nasundan pa ng isang programa ang kanilang tambalan, ang
Teen Gen kung saan ikinasal sila sa huli. Sa pagbabalik-tambalan nila sa
Buena Familia, gaganap na sila bilang mag-asawa.
READ: “Buena Familia” throwback ng Bobby Andrews and Angelu de Leon 90’s love team
Isa pang love team na mapapanood sa
Buena Familia ay ang tambalan nina Gawad Urian Best Supporting Actor Martin del Rosario at aktres na si Kylie Padilla.
Inamin ng best actor sa panayam ni Aubrey Carampel sa
24 Oras na crush niya na si Kylie dati pa, "Actually before pa ng
Buena Familia, [tinatanong sa akin palagi,] 'Sino ang crush mo sa mga Kapuso?' and [sinasabi ko naman] na si Kylie. Nagkataon, hindi ko alam makaka-love team ko siya.”
Natuwa ang young actress at hanga raw siya sa galing sa pag-arte ni Martin, "May instant attraction ako sa mga magaling umarte."
LOOK: First look at Buena Familia
Samantala, ipinagpapatuloy ang pagpareha kina Jake Vargas at Julie Anne San Jose bilang "Jhalie" mula pa sa
Pepito Manaloto hanggang sa nalalapit na afternoon drama. Saad ng singer-actress, “Dito sa Buena Familia, made-develop into something ‘yung relationship namin.”
Wala naman raw problema ang JaBea fans sa bagong tambalan. Pahayag ni Jake na matagal na silang hindi nagkikita ni Bea Binene mula nang mag-break sila, “Wala akong balita eh. Okay kami [at] friends kami [pero] hindi ko pa siya nakikita.”
Abangan ang Buena Familia ngayong Martes (July 28) na sa GMA Afternoon Prime.