
Susunod na bibida sa bagong episode ng wish-granting program na Wish Ko Lang ang mga aktor na sina Bodjie Pascua at Gigi Locsin.
Bibigyang-buhay nina Bodjie at Gigi ang kuwento ng mag-asawang Lolo Jaime at Lola Angie sa "Away Aso" episode ngayong Sabado.
Tampok sa episode na ito ang naranasang perwisyo nina Lolo Jaime at Lola Angie dahil sa kapitbahay nilang sina Lando (Paolo Paraiso) at Renz (Saviour Ramos), na mga iresponsableng dog owner.
Base sa trailer na inilabas ng Wish Ko Lang, muntikan nang makagat ng aso ang apo nina Lolo Jaime at Lola Angie. Hindi rin nakakatulog nang maayos ang mag-asawa dahil hinahayaan lamang nina Lando at Renz na mag-ingay ang kanilang mga aso. Pakalat-kalat din sa daan ang dumi ng mga ito.
Makakasama rin nina Bodjie at Gigi sa upcoming episode sina Bea Borres (Lian), Kirsten Gonzales (Janet), at Fonzi (Kapitan Fonzi).
Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Away Aso" ngayong Sabado, January 7, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: