GMA Logo Kylie Padilla and Gardo Versoza
What's on TV

Bolera: Bolera vs. Cobrador, sino ang tatanghaling kampeon?

By Aimee Anoc
Published August 26, 2022 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Gardo Versoza


Huwag palampasin ang huling laban ng ating Bolera kay Cobrador sa kapana-panabik na pagtatapos ngayong gabi, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Para sa huling round ng 2022 Philippine 9-Ball Cup, nagharap na sa pinakamalaki nilang laban sina Bolera (Kylie Padilla) at Cobrador (Gardo Versoza).

Pinairal na rin ni Corbrador ang ilan sa dirty tricks nito na nakaapekto sa paningin ng ating Bolera.

Pasikretong ginamitan ni Pogi (Luri Vincent Nalus) ng reflective mirror si Joni habang naglalaro dahilan para masilaw ito at magdesisyong suotin ang kanyang salamin, na siya namang tinutulan ni Cobrador.

Sa inaabangang pagtatapos, maipanalo kaya ng ating Bolera ang huling laban kay Cobrador?

Huwag palampasin ang kapana-panabik na huling gabi ng Bolera, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG PASILIP SA HULING LABAN NINA BOLERA AT COBRADOR DITO: