GMA Logo Kylie Padilla and Jaclyn Jose
What's on TV

Kylie Padilla, naging emosyunal nang purihin ni Jaclyn Jose ang husay sa 'Bolera'

By Aimee Anoc
Published August 22, 2022 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Jaclyn Jose


"Siyempre importante rin sa akin 'yun 'yung minsang naririnig ko rin na pinupuri ako especially from someone like Tita Jane na sobrang galing na artista. Sobrang nakakataba ng puso." - Kylie Padilla

Hindi naiwasang maging emosyunal ni Kylie Padilla sa media conference ng Bolera matapos na makatanggap ng papuri mula sa batikang aktres na si Jaclyn Jose, na naging ina niya sa serye.

Ayon kay Jaclyn, nakita niya ang husay at dedikasyon ng mga aktor na nakasama niya sa Bolera, kasama na si Kylie. Aniya, "Si Kylie nakatrabaho ko, alam kong mahusay si Kylie talaga."

Para kay Kylie, "sobrang nakatataba ng puso" na makarinig ng papuri mula sa "magaling na aktres" na tulad ni Jaclyn. "Na-appreciate" din daw niya ang magandang samahan nila sa Bolera.

"Ang na-appreciate ko talaga kay Tita Jane is she really connected with me in a deeper level, agad. I mean hindi lang naman 'yun makakatulong sa eksena, siyempre sa work, pero she really helped me as a person din kasi bilang nanay kaming dalawa ang dami kong natutunan sa kanya," sabi ni Kylie.

Dagdag niya, "But most [important] sa akin 'yung nag-connect kami bilang tao and sobrang saya niyang kasama. She's a real person, hindi siya artista on set. And 'yun talaga 'yung na-appreciate ko kasi gusto ko rin 'yun e sa trabaho natin, the connection. Hindi lang 'yung nandito lang tayo para magtrabaho 'di ba?

"Bilang artista hinahanap ko rin 'yung totoong connection behind the screen and that's what makes the magic happen on screen. Thank you Tita Jane for taking care of me and connecting with me."

Patuloy na subaybayan ang huling linggo ng Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG BEST MOMENTS NINA JONI AT TOYPITS SA 'BOLERA' RITO: