GMA Logo Bolera
What's on TV

'Bolera' pilot episode, humataw sa ratings

By Aimee Anoc
Published May 31, 2022 2:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Volleyball Tournament - March 6, 2026 | NCAA Season 101
GMAKF, nagpapatayo ng 2-storey Kapuso school building sa Malitbog Elementary School | 24 Oras
DTI: Price hike for goods, other items needs agency's approval

Article Inside Page


Showbiz News

Bolera


Bukod sa mataas na rating, nag-trending din ang pilot episode ng 'Bolera' sa Twitter Philippines.

Mainit ang naging pagtanggap ng manonood sa pinakabagong sports drama series ng GMA, ang Bolera, na pinagbibidahan ng nagbabalik primetime na si Kylie Padilla.

Nakakuha ang pilot episode nito ng rating na 12.7 percent base sa data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Bukod sa mataas na rating, trending din ang Bolera sa Twitter Philippines na mayroong mahigit 6,820 tweets.

Patuloy na subaybayan ang Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.

Maaari ring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Ang Bolera ay mula sa direksyon nina Direk Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy.

Samantala, kilalanin ang cast ng Bolera sa gallery na ito: