GMA Logo Bong Revilla Jr, Beauty Gonzalez, Max Collins
What's on TV

Bong Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins, masayang nakatrabaho ang isa't isa sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis'

By Dianne Mariano
Published May 27, 2023 11:26 AM PHT
Updated May 30, 2023 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Bong Revilla Jr, Beauty Gonzalez, Max Collins


Bibida sina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins sa upcoming action-comedy series ng GMA na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Simula June 4, mapapanood na ang pinakabagong action-comedy series ng GMA na tiyak na magbibigay saya sa mga manonood tuwing Linggo, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ang nalalapit na serye ay pagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Sa naganap na media conference ng action-comedy series nitong May 26, ibinahagi ng tatlong lead stars na masaya silang nakatrabaho ang isa't isa para sa proyektong ito.

Pagbabahagi ni Bong, “I'm very happy at nakasama ko 'yung dalawang magagaling na aktres natin ngayon. In fact, ako 'yung medyo ninerbyos pa nga at first dahil siyempre alam ko magagaling silang artista, magaganda, sexy, so kailangan I have to look good also. Kailangan magpa-condition ako. Talagang nagtrabaho rin ako para mag-reduce ng weight.”

Pinuri rin niya ang acting performance ng kanyang co-stars dahil higit pa ito sa kanyang inaasahan. Aniya, “Happy ako sa performance ng bawat isa, ang gagaling nila, beyond my expectations. Talagang na-surpass nila 'yung ine-expect ko na pagganap nila sa bawat role.”

Masaya rin si Beauty para sa pagkakataon na makatrabaho sina Bong at Max sa upcoming action-comedy series na ito. Thankful din ang aktres sa Kapuso network dahil sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng mga magagandang proyekto.

“Working with Senator Bong is such a dream. Isa sa bucket list ko one of the Philippine icons, to be working with them and I'm very thankful to GMA for continuously giving me beautiful projects. I'm very happy and thankful.

"What can I say about Max? She's very very nice and very very sexy and [she's] such an inspiration. I'm very happy to be working with everybody kasi unconsciously, nagkakasundo kaming lahat sa set,” ani Beauty.

Samantala, inamin ni Max na nakaramdam siya ng kaba sa simula para sa proyektong ito ngunit nawala rin ito dahil sa pagiging welcoming ng kanyang co-stars.

Kuwento niya, “In the beginning, kinabahan talaga ako to work with Senator Bong Revilla and Beauty [Gonzalez] and everyone else. Parang I was dreading taping kasi I felt like baka masyado akong mape-pressure on set because it's a comedy and I feel like everyone already knows their characters and bigla akong papasok, mangangapa pa ako. But really, everyone was so nice and so gaan katrabaho.

“This is probably the most relaxed I've been on a set in a very very long time, and Senator Bong made me feel so welcomed sa show. I really felt at home working with him and Beauty is so nice. She's such a joy to work with. Sobrang bait niya, especially considering everything that you've achieved, you are also very humble."

Kabilang din sa cast ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sina Sparkle stars Kate Valdez, Kelvin Miranda, at Raphael Landicho.

Mapapanood din dito sina Carmi Martin, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Nikki Co, at Dennis Marasigan.

Ipinakikilala sa show na ito ang Sparkle actress na si Angel Leighton.

May special participation naman dito sina ER Ejercito, Bembol Roco, at Jeric Raval.

Huwag palampasin ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis simula June 4, 7:50 p.m., sa GMA.

SAMANTALA, SILIPIN ANG NAGING GUN TRAINING NG CAST NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SA GALLERY NA ITO.