What's on TV

Boobay at Tekla, nanibago sa new normal ng 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianara Alegre
Published September 10, 2020 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay at Tekla


Magkakaroon ng virtual audience ang 'The Boobay and Tekla Show' para sa fresh episodes nito.

Balik-taping na ang late night comedy talk show na The Boobay and Tekla Show kaya simula sa Linggo, September 13, ay mapapanood na ang fresh episodes ng show.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi nina Boobay at Tekla kung paano sila nag-taping sa ilalim ng new normal.

Boobay at Tekla

Boobay at Tekla / Source: boobay7 (IG) ; gmanetwork.com

“Bago kami pumasok sa studio parang clueless kami kung anong mangyayari, kung anong magiging environment sa loob,” saad ni Boobay. “Slight nanibago kami kasi konti lang 'yung tao, walang studio audience.”

Dahil walang studio audience, aminado ang dalawang comedian na nahirapan sila sa taping dahil wala silang kabatuhan ng jokes.

“Importante sa amin na may nakikita kaming reaksyon nang live,” dagdag pa ni Boobay.

Ibinahagi naman niya na magkakaroon ng virtual audience ang show.

“Dapat nilang pakaabangan kasi kung wala kaming studio audience, mayroon kaming virtual audience,” aniya.

Bunsod nito, maaari na ring mapanood at makakulitan nang live sina Boobay at Tekla hindi lamang ng mga viewers dito sa bansa kundi pati na rin ang mga Pinoy abroad.

Yahoooo!!!! Fresh episodes po ng The Boobay And Tekla Show @boobayandtekla, mapapanood na po simula sa Linggo, September 13, pagkatapos po ng#KMJS!!!! Kita kits po, Maraming maraming salamat po mga minamahal naming Kapuso!!! ❤️❤️❤️

Isang post na ibinahagi ni boobay7 (@boobay7) noong

Samantala, balik-trabaho na ulit si Tekla matapos dumaan sa matinding pagsubok nang operahan ang bunsong anak niyang si Baby Angelo dahil sa anorectal malformation.

Aniya, mahigit isang buwan na mula nang maoperahan at makalabas sa ospital si Angelo.

“Okay naman siya sobrang likot, ang lakas dumede. Tapos napakaganda ng response niya. 'Yung psychomotor niya ang bilis,” saad niya.

Matagumpay din umano ang medical procedures na ginawa sa anak.

“Nakakatuwa lang kasi napaka-positive ng nu'ng mga response ni Angelo. Nalagpasan niya na lahat halos, e. Ito na lang 'yung stage na nagre-respond siya...nasisilaw siya 'pag may biglang ilaw na malakas. Tapos magugulatin 'pag may biglang kalabog.

“Ibig sabihin, everything ay normal,” dagdag pa ni Tekla.