
Matapos makatapat sina Cherie Gil, Eula Valdes, at Mylene Dizon sa mga nakaraang episodes, ang mga de-kalibreng aktor namang sina Rez Cortez at Monching Gutierrez ang hinamon ni Boobay sa December 26 episode ng Celebrity Bluff.
Nitong Sabado, December 26, muling napanood sina Eugene Domingo, Boobay, Jose Manalo at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Naglaro sa round ng “Fact or Bluff” ang tatlong celebrity pairs. Magka-tandem ang mag-amang sina Rez Cortez at Cai Cortez, teammates ang mag-asawang sina China Cojuangco at Gino Gonzalez, at partners ang mag-amang sina Monching Gutierrez at Diego Gutierrez.
Ipinapaliwanag na ni Boobay ang kanyang ibinigay na sagot, napansin ng komediyanteng nagbubulungan at tila hindi nakikinig sina Rez at Cai.
“Nagsasalita ako,” puna ni Boobay sa mag-ama.
Ikinagulat naman ng kanyang kapwa bluffers ang kanyang ginawa.
Paalala ni Jose, “Ang dami nang pinatamaan niyan!”
Dugtong naman ni Eugene, “Hindi mo kilala si Rez Cortez ha.”
Dahil dito, nagtapatan sina Boobay at Rez sa isang aktingan. Hindi rin nagpahuli si Monching at ipinatikim din sa komediyante ang kanyang pagiging isang kontrabida.
Panoorin ang December 26 episode sa itaas.