What's on TV

Mylene Dizon, tinarayan si Boobay sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun
Published May 6, 2020 6:34 PM PHT
Updated May 7, 2020 1:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Mylene Dizon and Boobay in Celebrity Bluff


Unang round pa lang ng 'Fact or Bluff,' nagkasagutan na sina Boobay at Mylene Dizon! Panoorin ang kanilang confrontation sa 'Celebrity Bluff!'

Tarayan at tawanan agad ang bumungad sa mga manonood sa pagbabalik ng Celebrity Bluff.

Nitong Sabado, May 2, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Tampok sa episode ang celebrity players na sina Mylene Dizon, Sheryl Cruz, at Sef Cadayona kakampi ang kani-kanilang personal aids.

Sa unang round pa lang ng 'Fact or Bluff,' nagkainitan na agad sina Mylene at Boobay dahil tinatawanan daw ng aktres ang komedyante.

Paghamon ni Boobay, “Bakit hindi ka sumasagot?”

Naging mabilis namang tugon ni Mylene, “Hindi ko kailangan sumagot. Hindi kita kailangan sagutin.”

Nauwi naman sa role play ang kanilang komprontasyon kung saan nagpanggap si Boobay na kapatid sina Eugene at Jose habang ama nila si Brod Pete at ina si Mylene.

Napuno pa ng tawanan ang studio dahil pati ang driver ni Sef ay nakisali na rin sa aktingan.

Panoorin:

(For Philippine viewing only)

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Magpakailanman.