GMA Logo Boobay
What's Hot

Boobay, sinagot kung third party ang sanhi ng breakup nila ng kanyang boyfriend

By Bianca Geli
Published August 2, 2021 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay


Para maibsan ang sakit na nararamdaman ni Boobay sa recent breakup nila with boyfriend, idinaan niya ito sa pagluto ng paborito niyang sopas sa 'Pera Paraan.'

Sa recent episode ng Pera Paraan hosted by Susan Enriquez, nagbahagi ng masasarap na tips para sa sopas ang Kapuso comedian na si Boobay.

Kwento ni Boobay, tamang-tama ang pagluto niya ng comfort food para sa Pera Paraan dahil kailangan niya ito para mawala ang sakit sa recent breakup nila ng kaniyang boyfriend of nine years.

Aniya, "To be honest hindi ko pa siya masyado nararamdaman, hindi pa siya nag-si-sink in sa akin."

Diretsahang tanong ni Susan, "May third party?"

Pabiro na lamang itong sinagot ni Boobay, "Christmas party!"

Paliwanag ng komdyante, "Ayaw kong harapin na parang third party ang nangyari. Christmas party na lang. Para masaya pa [r]in."

"Ang nararamdaman ko talagang naco-comfort ako nitong niluluto kong sopas," dagdag niya.

Sang-ayon naman dito si Susan, "Boobay, I wish you love, happiness, and more comfort food."

Tampok din sa Pera Paraan ang isang sikat na pancit habhab business na naging source of income ng isang pamilya sa Quezon. Sa loob ng 30 taong pagbebenta ng pancit habhab, napagpatapos daw ni Milagrosa Liwag ang apat na anak.

Samantala, dahil sa kanyang flavored chicken wings business, nakapagpatayo na si Eric del Rosario ng apat na bahay, at nakabili pa ng sariling kotse! Ano nga ba ang sikreto sa tagumpay na kanyang natamo?

Abangan ang Pera Paraan tuwing Wednesday 6:00 p.m. sa GTV!