
Tila nagustuhan ni Boom Labrusca ang kanilang duo ni Lolong star Ruru Madrid sa screen.
Sa presscon ng Lolong, hindi napigilan ni Boom Labrusca na humirit pa ng isang proyekto kasama si Ruru Madrid.
"Kung nakadalawa na sa'yo si Victor [Neri], puwede bang makadalawa rin ako sa next project ko?" tanong ni Boom.
"Okay ba, brother?" biro ni Boom. "'De, gawin mo ng tatlo! 'Di naman ako maarte eh."
Sumali rin sa usapan ang kanilang co-actor sa Lolong na si John Arcilla.
"Oh, gawin mo ng apat 'yan. Oh, di ba Ruru?" dagdag ni John.
Mas pinakulit ni Boom Labrusca ang presscon dahil nagparinig pa ito sa mga nakatataas na lagi siyang isama sa projects ni Ruru Madrid.
Sabi ni Boom, "Maraming salamat po sa mga EP natin. Nagsasabi lang po ako na isama po ako sa next project nila."
Abangan ang pagbabalik ni Lolong sa Lolong: Bayani ng Bayan ngayong January 20 sa GMA Prime.
Tingnan dito ang iba pang cast ng Lolong: Bayani ng Bayan: