GMA Logo born to shine
Source: mitzijosh (IG)
What's on TV

'Born to Shine': Alfea, aalis na papuntang ibang bansa; Yuna at Nancy, focused na sa kanilang duo careers

By Kristian Eric Javier
Published September 11, 2026 4:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magkakapatid na OFW, bakit sabay-sabay napauwi ng Pilipinas? | GMA News Feed
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)
Kelsey Merritt, Alex Eala share a hug at New York Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

born to shine


Tuluyan nang nagkaniya-kaniya ang mga dating miyembro ng YUMI! May pag-asa pa bang mabuo sila ulit?

Tuluyan nang nagkawatak-watak ang dating mga miyembro ng YUMI sa Born to Shine!

Matatandaan na kinailangan umalis ng YUMI ni Jeni (Zephanie) matapos siyang akusahan ng iba't ibang kasinungalingan nina Megan (Olive May). Samantala, nagdesisyon naman ang huli na magsolo para mas pausbungin pa ang kaniyang karera.

Dahil dito, napilitan ang Astra M, ang nagma-manage ng YUMI, na i-disband sila, dahilan para mawalan ng trabaho ang ibang mga miyembro nito.

Kamakailan lang, nagpaalam na si Alfea (Naya Ambi) kay Megan (Olive May) at nagsabing pupunta na siya ng New Jersey para mag-aral ng medicine. Pakiramdam kasi ng dati niyang kagrupo, wala na siyang puwang sa mundo ng showbiz.

Dagdag pa nito, gusto pa rin naman umano ni Alfea na magkaroon ng pangalan at makilala ng mga tao. Ngunit sabi niya, mukhang sa ibang larangan na siya gagawa ng pangalan.

Samantala, hindi naman iniwan nina Yuna (Mitzi Josh) at Nancy (Gaea Mischa) ang pagkanta dahil ngayon ay patuloy pa rin silang nagpe-perform online para sa isang app. Sa katunayan, unti-unti nang sumisikat ang duo nila at nagkakaroon ng followers. Naimbitahan pa sila para sa isang gig sa isang bar!

Ngunit tila scammer ang kausap nila dahil ipinadala sina Yuna at Nancy sa isang bar. Dahil sa kanilang karanasan, umabot na si Yuna sa puntong napagod na siya sa kanilang ginagawa.

BALIKAN ANG OFF-CAM KULITAN NG YUMI SA GALLERY NA ITO:

Ngunit si Nancy, hindi pa rin sumusuko at pilit na pinalalakas ang loob ng kaniyang pinsan. At sa pagpapatuloy nila ni Yuna ng kanilang pangarap, magkaroon kaya sila ng bagong pagkakataon makatapak sa panibagong entablado?

Samantala, sa pag-alis ni Alfea papuntang Amerika, hanggang dito na lang ba ang kanyang karera? Dito na nga ba hihinto ang kaniyang pangarap, at ang pag-asang mabuo muli ang YUMI?

Abanagan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa Kapuso Afternoon Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ang musical drama series sa Kapuso Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.