
Mas tumitindi ang alitan ng dalawang miyembro ng Yumi na sina Jeni (Zephanie) at Megan (Olive May) sa Born to Shine!
Sa P-Pop boot camp pa lang nila, hindi na magkasundo sina Jeni at Megan at sa katunayan, naipahamak pa nga ng una ang huli nang lagyan niya ng pampatulog ang inumin nito. May ilang pananabotahe din na ginawa si Megan kay Jeni, dahilan para mapaalis ito ng bootcamp, at ma-injure bago ang kanilang final showcase.
At ngayong napapalapit ang loob ni Jeni kay Dara (Vina Morales) na ina ni Megan, hindi nito napigilan na magselos at magalit lalo sa kagrupo. Kamakailan lang, ibinulgar ni Megan ang totoong katauhan ng ina ni Jeni na si Minchie, bagay na pilit itinago ng Astra M, ang music producer na bumuo sa Yumi.
BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA SA MGA BIDA NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:
Dahil dito, lalong nasira ang pangalan ni Minchie, at maging ni Jeni, dahilan para magpasya itong umalis na lang ng grupo. Ngunit dahil kay Dara at Monica (Roselle Nava), naparusahan si Megan at nakabalik na ng grupo si Jeni.
At si Jeni, kahit galit at hindi magpapatalo sa mga pananabotahe ni Megan, pinili pa ring patawarin ang kagrupo. Ngunit nagbabala rin siya na hindi na siya basta magpapatalo pa kay Megan.
Sa paglapit naman ng P-Pop boy group na BGYO para sa collaboration, lalong nainis si Megan dahil gusto lang nila makasama ang Yumi kapag naroon si Jeni. Dahil dito, lalong tumitindi ang alitan ng dalawa na pilit inaayos ng mga kagrupo nila sa Yumi.
Magkabati pa kaya sina Jeni at Megan at maging magkaibigan?
Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.