GMA Logo Tessie Tomas, Rayver Cruz, Mikee Quintos on Born to Shine
Source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Amelia, may itinatagong sikreto sa relasyon nina Dio at Minchie

By Kristian Eric Javier
Published June 1, 2026 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jinggoy Estrada says he will not use Senate custody as shield against plunder case
Balitang Bisdak: June 1, 2026 | Livestream
Broadway stars to perform in the Philippines for 'After Oz'

Article Inside Page


Showbiz News

Tessie Tomas, Rayver Cruz, Mikee Quintos on Born to Shine


Isang matinding sikreto ba ni Amelia ang sisira sa relasyon nina Minchie at Perry sa 'Born to Shine'?

Isang matinding sikreto ang itinatago ni Amelia, ang karakter na ginagampan ni Tessie Tomas, sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine.

Isa na rito ay ang relasyon sa pagitan nina Minchie (Manilyn Reynes) at Dio (Rayver Cruz). Sa episode nitong Sabado, May 30, binalikan ni Amelia kung papaanong pinlano noon ni Dio na iwan ang kaniyang asawa at anak na sina Dara (Vina Morales) at Megan (Olive May) para sa kaniya.

Kasabay nito, ibinulgar din ni Amelia ang plano ni Minchie na iwan noon sana sina Perry (Smokey Manaloto) at anak niyang si Jeni (Zephanie).

Dahil dito, nasira rin umano ang relasyon niya sa anak, dahilan para patuloy na sisihin ni Amelia si Minchie.

Hindi man sinasadya, narinig lahat ni Perry ang palitan nina Minchie at Amelia, dahilan para kumprontahin niya ang asawa.

Sa mga kaalaman na ito ni Amelia, paano kaya niya gagamitin ang impormasyon na ito laban kina Minchie at Jeni, lalo na at patuloy silang nagiging malapit kina Dara at Megan?

Samantala, paano kaya nito babaguhin ang relasyon nina Minchie at Perry?

Subaybayan ang kwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.

BALIKAN ANG MGA NAGANAP BEHIND THE SCENES SA MEDIA CON NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO: