
Lubos ang pagsisisi ni Amelia (Tessie Tomas) sa pagtrato niya ng hindi maganda kay Jeni (Zephanie) sa Born to Shine matapos malaman ang katotohanang apo niya pala ang dalaga.
Sa episode nitong Lunes, July 6, kinompronta ni Minchie (Manilyn Reynes) sa YUMI House dahil sa masasakit na sinasabi nito patungkol kay Jeni. Dito, sinabi ni Minchie na hindi dapat ganoon ang maging trato nito kay Jeni dahil anak din ng anak niyang si Dio (Rayver Cruz) ang dalaga.
Tumaas ang blood pressure ni Amelia dahil sa kumprontasyon na ito, dahilan para dalhin siya sa ospital. Doon, nakausap niya si Dara (Vina Morales) at kinumpirma nito ang sinabi ni Minchie.
Ayon kay Dara, pina-DNA test niya si Jeni at nakumpirma niyang anak nga siya ni Dio. Dito na rin sinabi ni Dara na iyon ang pinanggagalingan ng kaniyang galit kay Jeni.
Matapos siyang tulungan ni Jeni, lubos ang pagsisisi ni Amelia sa pananakit nito nang paulit-ulit at pagtaboy sa kanya noon. Ipinaabot din ni Amelia kay Dara ang kagustuhan niyang makipag-ayos sa dalaga.
Samantala, kahit na gustong sisihin ni Dara si Jeni, sinabi ni Amelia na wala namang kasalanan ang bata. Sa halip, ang dapat umano nilang sisihin ay ang anak niyang si Dio na nagmahal ng dalawang tao nang sabay.
BALIKAN ANG MGA NAGANAP BEHIND THE SCENES SA MEDIACON NG BORN TO SHINE SA GALLERY NA ITO:
Nagkausap na rin sina Dara at Minchie, kung saan inamin ng una na alam na nila ni Amelia ang totoong katauhan ni Jeni. Pinagkasunduan din nilang hinding-hindi maaaring malaman ng dalaga ang katotohanan, bagay na sinigurado ni Dara na susundin ni Amelia.
Sa paglabas ng katotohanang ito, paano kaya mababago ang pakikisama ni Amelia kina Minchie at Jeni? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Megan (Olive May), ang apo niya kay Dara, kapag nalaman nitong alam na ng kaniyang lola?
Subaybayan ang kwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.