GMA Logo Zephanie and Miggs Cuaderno on Born to Shine
source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Baste at Jeni, tuluyan na nga bang masisira ang pagkakaibigan?

By Kristian Eric Javier
Published June 30, 2026 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcoleta should face legal process in plunder case—Palace
Suspect in killing of 89-year-old woman in Iloilo arrested
Roi Vinzon on his son Anton's first lead role: 'Mas magaling ka sa akin'

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie and Miggs Cuaderno on Born to Shine


Friendship over na nga ba para kina Jeni at Baste sa 'Born to Shine'?

Isang pangyayari ang sisira sa pagkakaibigan nina Jeni (Zephanie) at Baste (Miggs Cuaderno) sa Born to Shine.

Sa episode nitong Lunes, June 29, matapos makuha ng YUMI ang Breakthrough Artist Award at P-Pop Group of the Year Award sa naganap na Pinoy Pop Himig Awards, ipinagdiwang nina Jeni, Yuna (Mitzi Josh), Nancy (Gaea Mischa), at Baste ang kanilang tagumpay sa isang karaoke bar.

Dito, nagpakita si Baste ng kaniyang kakayahan na maging miyembro ng YUMI sa pagkanta at pagsayaw niya ng single ng grupo na “Ikaw ang Dahilan.” Bago pa magsimula ang kaibigan, pabirong sinabi ni Jeni na hindi nakaka-YUMI si Baste dahil hindi naman ito babae tulad nila.

Isa si Baste sa mga pinakaunang naging kaibigan ni Jeni sa Port Uno. Sa katunayan, ito rin ang number one supporter niya pagdating sa pagkanta, pagsuporta noon sa NIXI, at pagtupad nito ng pangarap na maging singer.

Si Baste rin ang nag-udyok kay Jeni na sumali sa Estrella Idol, isang singing contest sa kanilang lugar, dahilan para makilala siya at madiskubre ni Nate (Michael Sager). Si Baste rin ang naghikayat kay Jeni na sumali sa P-Pop audition noon ng Astra M at maging parte ng boot camp.

KILALANIN ANG INSEPARABLE CELEBRITY BFFS SA GALLERY NA ITO:

Naroon din si Baste para suportahan si Jeni sa iba't ibang hamon ng kaniyang buhay. Kaya naman, laking sama ng loob nito nang lumabas at nag-viral ang video niya na kumakanta at sumasayaw sa kanta ng YUMI.

Sa video, maririnig din si Jeni na pabirong sinasabi na hindi YUMI material ang kaibigan at hindi babagay sa grupo. Dahil din sa paglabas ng video ay nalaman ng mga kasamahan nila sa Port Uno, at ng tatay ni Baste na si Gener (Gerald Madrid) ang tunay na kasarian ni Baste.

Dahil sa naging reaksyon ng kaniyang ama, at dahil sa paniniwalang nasira ang usapan nilang hindi lalabas ang video, lubos na nasaktan si Baste sa nangyari.

Sa katunayan, nagpunta pa nga si Baste sa Astra M para tanungin sina Yuna at Nancy kung sino ba talaga ang naglabas ng video. Ngunit pagsisiguro sa kaniya ng huli, wala sa kanila ang may gawa noon, at saka ibinahagi na maaaring si Megan (Olive May) ang may pakana.

Ngunit dahil si Jeni ang tinuturo ng bashers, maniwala kaya si Baste sa kanila at isiping may kinalaman nga ang kaibigan sa nangyari? Maging dahilan kaya ito para masira ang pagkakaibigang nabuo nila ng matagal ng panahon?

Subaybayan ang kwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.