GMA Logo Born to Shine cast
Source: gaeamischa_official/IG
What's on TV

'Born to Shine' cast, may pasilip sa musika at mga karakter na dapat abangan sa serye

By Kristian Eric Javier
Published February 19, 2026 2:39 PM PHT
Updated March 9, 2026 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Raffy Tulfo expresses concern over NAIA Terminal 1 ceiling collapse
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Born to Shine cast


Nagbigay ng pasilip sina Zephanie, Olive May, Roselle Nava, at iba pang cast ng 'Born to Shine' sa naganap na Kapuso Mall Show.

Nagbigay ng patikim ang cast ng upcoming Kapuso musical family drama na Born to Shine sa naganap na Kapuso Mall show noong Linggo, February 15, sa Robinsons Mall sa Malabon.

Ngunit hindi lang sa musika at performances na mapapanood sa serye ang pinasilip ng cast, dahil nagbigay rin ng kaunting teaser ang ilan sa kanila sa panayam sa kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras.

Si Zephanie, na gaganap bilang si Jeni, naka-relate umano ng husto sa kaniyang karakter.

"Parang very true to life story siya ng bawat isa sa amin na part ng cast kasi inagdaanan talaga namin 'yung mga audition, 'yung mga ganitong mga show sa mall and I'm sure marami pong makaka-relate du'n," sabi ni Zephanie.

Naging extra special din ang event para kay Zephanie nang kantahan siya ng birthday song ng kaniyang co-stars.

Muli ring mapapanood ang batikang singer at actress na si Roselle Nava sa Born to Shine, na ipinahayag kung gaano siya ka-grateful sa opportunity na magbalik acting pagkatapos ng ilang taon.

"Nu'ng in-offer sa akin ito, talagang super-duper excited ako kasi I like the story, even the directors, the staff, mababait talaga. They didn't make me feel na baguhan ako when it comes to acting," sabi ni Roselle.

Ipinamalas din ng iba pa nilang co-stars ang galing nila sa pagkanta. Ilan dito ay sina Mitzi Josh at Gaea Mischa na tulad ni Zephanie, ay naka-relate rin sa storya.

"Parang nagpa-flash back lahat sa 'kin 'yung memories before ako maging artist, and parang it's a full-circle moment," sabi ni Mitzi.

Sang-ayon naman dito si Gaea, "'Yung mga struggles, it's really emphasized in the story because all of us came from different backgrounds din and that's something to look out for din."

May mga solo number din sina Chloe Redondo, Angelica Santiago, Aaliyah de Gracia, at Olive May. Ito raw ang unang pagkakataon na gaganap ang huli bilang kontrabida kaya naman excited na ang aktres sa kaniyang role.

"Super excited po ako, at the same time, kinakabahan po ako kasi in real life, hindi po ako ganu'n, e. As in like sobrang opposite talaga ng character ko," pagbabahagi ni Olive.

Dapat din daw abangan sa serye ang kanilang girl group na Nixie na nag-sample na ng kanilang original song sa mall show.

Napalaban din sa kantahan ang aktor na si Miggs Cuaderno na isa sa mga co-stars nila sa serye. Pag-amin ng aktor, bago ito sa kaniya at "something exciting" ang kanilang serye para sa P-Pop fans.

Panoorin ang panayam sa cast ng Born to Shine rito:


KILALANIN ANG CAST NG 'BORN TO SHINE' NA IPINAKILALA SA NAGANAP NA MEDIACON SA GALLERY NA ITO: