GMA Logo Zephanie as Jeni and Michael Sager as Nate on Born to Shine
Source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Is Nate falling in love with Jeni?

By Kristian Eric Javier
Published May 19, 2026 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Thunder confident in another bounce-back effort in Game 2 vs. Spurs
REP taps Nelsito Gomez to direct Nonie Buencamino's musical theater comeback in 'Man of La Mancha'
Hot water poured on cat in NegOcc; justice sought

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie as Jeni and Michael Sager as Nate on Born to Shine


Totohanan na ba ang awit ni Nate sa 'Born to Shine'?

Unti-unti nang nagiging malapit sina Nate (Michael Sager) at Jeni (Zephanie) sa GMA Afternoon Prime series na Born to Shine.

Umpisa pa lang ay naging instrumento na si Nate sa pagtupad ni Jeni ng kanyang pangarap. Mula sa pagpili at pagtatanggol niya kay Jeni bilang kampeon ng Estrella Idol, hanggang sa paghahanap at pagpilit niyang maging parte ito ng girl group na binubuo ng kanyang ina na si Monica (Roselle Nava), naroon si Nate.

Kahit noong umalis si Jeni sa P-Pop camp, si Nate din ang tumulong sa kanya mag-busking, at magbuo ng pampiyansa ng ina ni Jeni na si Minchie (Manilyn Reynes). At ngayong nabuo na sa wakas ang P-Pop girl group na YUMI, mas lalong naging malapit sina Jeni at Nate sa isa't isa.

Ngayon na opisyal nang na-launch ang YUMI na kinabibilangan nina Jeni, Megan (Olive May), Yuna (Mitzi Josh), Nancy (Gaea Mischa), at Alfea (Naya Ambi), mas nagiging malapit si Nate kay Jeni lalo na at madalas na silang magkakasama sa events.

At nang maaksidente si Jeni sa isang event, iba ang pag-aalala ni Nate sa dalaga. Sa katunayan, dahil sa pilay at hindi makalakad si Jeni, kinarga siya ni Nate para hindi na siya mahirapan, dahilan para kiligin sina Yuna, Nancy, at Alfea.

Kitang-kita rin ang concern ni Nate kay Jeni matapos nitong ma-injure, kaya naman kahit ang dalaga, hindi na alam kung ano na nga ba ang nangyayari sa kanila ni Nate.

KILALANIN ANG MGA BIDA NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:

Nagkatotoo na nga ba ang awit ni Nate na “May Gusto na 'Ko Sa 'Yo' pagdating sa dalaga? Sa katunayan, kahit ang kaibigan niyang si Reyster (Sean Lucas), iyon din ang tanong kay Nate; kung may gusto na ba ito kay Jeni.

Tuluyan na nga bang nahulog ang loob ni Nate kay Jeni?

Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.