GMA Logo zephanie and olive may
Source: Born to Shine
What's on TV

'Born to Shine:' Jeni, ipapahamak nina Dara at Megan

By Kristian Eric Javier
Published July 27, 2026 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SONA 2026: Commonwealth vendors, supporters tune in with hopes for economy, accountability
SEVENTEEN's Vernon, DK to start military service in August and September
LIVE - SONA 2026-Pres. Bongbong Marcos' 5th State of the Nation Address (July 27) | GMA Regional TV

Article Inside Page


Showbiz News

zephanie and olive may


Madidiin sina Jeni at Minchie dahil sa kagagawan nina Dara at Megan!

Tila may bago na namang pinaplano Sina Dara (Vina Morales) at Megan (Olive May) laban kay Jeni (Zephanie) sa Born to Shine!

Sa episode nitong Biyernes, July 24, ibinulgar na ni Chika Nene (Inah Evans) ang totoong pagkatao ni Jeni sa araw mismo ng kaniyang birthday celebration: na anak siya ni Dio (Rayver Cruz) at Minchie (Manilyn Reynes), na ikinagulat ng marami.

Dahil sa rebelasyong ito, napilitan si Jeni na sagutin ang mga tanong ng reporters sa kaniya kung saan inamin niyang magtagal na nilang alam ni Megan na magkapatid sila. Ngunit ang huli, inilaglag si Jeni nang sabihin na wala siyang alam at na maging siya ay nagulat dito.

Kinumpronta siya ni Jeni, dahilan para magtalo na naman sila. Ngunit si JC (Kobie Brown), pinrotektahan at kinampihan si Jeni kaya nagalit din sa kaniya si Megan.

Gaya ni Megan, inilaglag din ni Dara si Minchie at sinabing kahit siya ay nagulat sa rebelasyon dahil hindi rin niya alam na nagtaksil pala ang kaniyang asawa, at dating kaibigan niya.

BALIKAN ANG NAGANAP SA 'BORN TO SHINE' MALL SHOW AT ALBUM LAUNCH SA GALLERY NA ITO:

Idiniin din ni Dara na itinago nina Minchie ang naturang pagtataksil, at sinabing hindi niya umano kinakayang makitang masaktan si Megan dahil sa nangyari. Aminado naman si Minchie na minsan na rin itong ginawa sa kaniya kaya't hindi siya makapapayag na mangyari kay Jeni ang pinagdaanan niya.

Dahil dito, nagkaroon ng pag-aalinlangan ang mga kagrupo ni Jeni sa YUMI na sina Alfea (Naya Ambi), Yuna (Mitzi Josh), at Nancy (Gaea Mischa). Maging ang publiko ay naniwala na sa mga sinasabi nina Dara at Megan at kinondena nila ang pagtatago nina Minchie at Jeni ng katotohanan, at ang “pagsira” nila sa pamilya nina Dara at Dio.

Saan kaya hahantong ang rebelasyong ito, at paano kaya mababago nito ang relasyon ng pamilya ni Jeni sa kanilang pamilya at mga kaibigan?