GMA Logo Zephanie as Jeni Sicat on Born to Shine
Source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Life-changing audition

Published April 15, 2026 1:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sherwin Gatchalian allows Senate staff to work from home on day of Alan Peter Cayetano's Blue Ribbon hearing
Students in Iloilo protest choice for recognition day speaker
MURO-AMI: THE MAKING | PART 2

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie as Jeni Sicat on Born to Shine


Isang audition sana ang babago sa buhay ni Jeni sa 'Born to Shine,' ngunit kinailangan niyang mamili sa pagitan ng kaniyang pangarap ng ina.

Nahanap na sa wakas ni Nate (Micahel Sager) si Jeni (Zephanie) at inalok ito na mag-audition para sa binubuo ng Astra Music na P-Pop group! Pero ang dalaga, tumanggi pa rin sa naturang audition para tuparin ang pangako sa kaniyang ina na si Minchie (Manilyn Reynes) na hindi na niya susubukin pang pasukin ang mundo ng pagkanta.

Kaya sa halip na si Jeni, ang mga kaibigan niyang sina Yuna (Mitzi Josh) at Nancy (Gaea Mischa) na lang ang mag-o-audition. At para palakasin nag loob nila, sinamahan sila nina Jeni at Basha (Miggs Cuaderno) sa Astra Music.

Ngunit pagdating doon para mag-audition, hindi maiwasan nina Nancy at Yuna na kabahan. Kaya naman, to the rescue si Jeni at sinabayan silang mag-rehearse. Dahil dito, narinig at na-impress ni Jeni ang humahawak ng auditions.

Laking tuwa nina Yuna at Nancy nang banggitin ang mga pangalan nila para sa mga nakapasok sa boot camp. Ngunit ang ikinagulat ng marami, nang tawagin si Jeni bilang isa sa mga nakapasa.

BALIKAN ANG ILANG BEHIND THE SCENES MULA SA NAGANAP NA PHOTO SHOOT NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:

Ngunit dahil gusto pa rin tuparin ni Jeni ang pangarap, tinanggihan niya ang alok sa kaniya ng Astra Music na maging bahagi ng boot camp para sa binubuong grupo. Sa halip, umuwi siya sa bahay, umiiyak, at tuluyan nang tinanggal at tinapos ang posters ng P-Pop group na NIXI, kasabay ng kaniyang mga pangarap.

Samantala, nakita ni Minchie ang pag-iyak ni Jeni dahil hindi na nito matutupad ang pangarap na maging singer o mapabilang sa isang P-Pop group. Ngunit matigas pa rin nag puso nito ay sinabi sa asawang si Perry (Smokey Manaloto) hindi pa rin niya papayagan ang anak.