GMA Logo Smokey Manaloto, Manilyn Reynes, Zephanie
Source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Perry, muling nakakarinig matapos ang matagumpay na operasyon

By Kristian Eric Javier
Published July 14, 2026 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Heath Jornales shares snaps from archery session: 'Brave who?'
Authorities probe discovery of human skull in Talisay, Cebu
LRT-2 now accepts cashless payments

Article Inside Page


Showbiz News

Smokey Manaloto, Manilyn Reynes, Zephanie


Pagkatapos ng kaniyang operasyon, maririnig nang muli ni Perry ang pag-awit ng anak na si Jeni.

Pagkatapos ng maraming pagsubok at iba pang health scare, naging matagumpay ang operasyon ni Perry (Smokey Manaloto) sa Born to Shine at muli nang nakakarinig.

Matatandaan na kamakailan lang ay naaksidente si Perry matapos mahulog sa stage sa fanmeet ng YUMI dahil sa panggugulo ni Karina (Gilleth Sandico). Ang aksidenteng ito ay nagresulta sa pagkawala ng pandinig ni Perry, na pinag-alala ng pamilya niyang sina Minchie (Manilyn Reynes) at Jeni (Zephanie).

Maaari pa namang maibalik ang pandinig ni Perry ngunit ayon sa doktor, milyon ang gagastusin ng kanilang pamilya para magawa ang operasyon. Dahil dito, pinilit na lang muna niya na mamuhay ng normal sa tulong ng hearing aids, ngunit hindi ito naging matagumpay lalo na at nakakarinig ng malakas na feedback si Perry.

Sinubukan din ni Perry na gumamit ng application sa kaniyang cellphone para ma-translate ang sinasabi ng iba sa text na nababasa niya. Nakakatulong man ito, hirap pa rin si Perry na hindi makarinig.

Sa katunayan, muntik pa nga siyang maaksidente dahil sa kawalan ng kaniyang pandinig.

Dahil dito, napagdesisyunan ni Perry na magpaopera na, habang sinisigurado naman sa kaniya ni Jeni na kakayanin nila ang lahat ng gastos para magawa ito.

Naging matagumpay naman ang operasyon ni Perry. Ngunit habang hinihintay ang kaniyang paggising, isang panibagong pagsubok ang hinarap nina Minchie at Jeni: nalagay sa peligro ang buhay ni Perry dahil nagkaroon siya ng anaphylaxis o severe allergic reaction sa isang antibiotic.

Dahil dito, napagdesisyunan ng mga doktor na ilagay si Perry sa intensive care unit para lalong mabantayan at mapangalagaan ang kaniyang kalusugan. Ngunit hindi nagtagal, nalayo na sa peligro ang buhay ni Perry.

Sa episode nitong Lunes, July 13, binisita muli ng mga doktor si Perry at sa wakas, muli na nga siyang nakakarinig. Kaya naman, malaki rin ang tuwa nina Minchie at Jeni nang malaman ang magandang balita. Masaya rin si Perry na maririnig na niyang muli ang pag kanta ng kaniyang anak.

Subaybayan ang kwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.

TINGNAN ANG INSPIRING PHOTOS NG PAMILYA NI SMOKEY MANALOTO SA GALLERY NA ITO: