GMA Logo Smokey Manaloto, Manilyn Reynes, Zephanie on Born to Shine
source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Perry, on the road na nga ba sa paggaling?

By Kristian Eric Javier
Published July 10, 2026 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presidente sang pribado nga kolehiyo sa Iloilo City kag iban pa, ginkasuhan | Ratsada Balita
DMW to appeal to Ombudsman ruling on P1.4B land deal
Glaiza de Castro to star in MMFF 2026 fantasy-drama entry 'Amir'

Article Inside Page


Showbiz News

Smokey Manaloto, Manilyn Reynes, Zephanie on Born to Shine


Pagaling na nga ba si Perry, o may nakaambang panibagong trahedya'?

Matapos ang ilang pagsubok at close calls ni Perry (Smokey Manaloto), pumayag na siya sa wakas na magpaopera para sa kaniyang cochlear implant surgery sa Born to Shine.

Successful naman ang naging operasyon na ikinatuwa nina Minchie (Manilyn Reynes) at Jeni (Zephanie). Ngunit nalaman nila na tila hindi pa rin nakakarinig si Perry, kaya nanumbalik ang kanilang pangamba.

Nitong mga nakaraang episode, napag-usapan nina Minchie at Dara (Vina Morales) ang pagtatago nila ng katotohanan tungkol sa pagkatao ni Jeni. Ngunit naputol ang kanilang usapan nang magkaroon ng severe allergic reaction si Perry.

Ayon sa mga doktor, nagkaroon si Perry ng anaphylaxis o severe allergic reaction mula sa isang antibiotic. Dahil sa nangyari, napagdesisyunan ng mga doktor na ilipat siya sa Intensive Care Unit o sa ICU para ma-monitor nila nang husto at mabantayan si Perry.

Kritikal man ang lagay ni Perry, ginagawa naman umano ng mga doktor ang lahat ng makakaya nila para mawala ang allergic reaction na ito at bumalik sa normal ang lahat ng vital signs niya.

Matatandaan na naaksidente si Perry sa fanmeet ng YUMI matapos manggulo ni Karina (Gilleth Sandico) sa utos ni Dara.

Kaya naman si Dara, lubos ang pag-aalala at guilt sa nangyari kay Perry, lalo na nang malaman ang matinding pinagdadaanan nito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang mga doktor sa pagpapagaling kay Perry. Magtuloy na kaya ito sa paggaling niya, o mauwi sa isa pang trahedya?

Subaybayan ang kwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.

TINGNAN ANG INSPIRING FAMILY PHOTOS NI SMOKEY MANALOTO SA GALLERY NA ITO: