
Mainit na suporta mula sa netizens ang natanggap ng bagong tinututukang palabas tuwing tanghali na Born To Shine!
Hindi maiwasan ng ilang manonood na maiyak at maantig ang puso sa pagpupursigi ni Jeni (Zephanie) na maging isang sikat na singer sa kabila ng hirap ng buhay.
“This is a nice drama, kasi 'yung bida dito na si Jeni ay very optimistic/ positive. Hindi nawawalan ng pag-asa sa anumang pagsubok,” komento ng isang Kapuso Stream viewer.
“Araw-araw na lang akong pinapaiyak ni Jeni,” sabi ng isa pang manonood.
Nagpakitang-gilas sa pagkanta ang Gen Z singer and actress na si Zephanie bilang si Jeni sa kaniyang journey sa boot camp para mapabilang sa P-pop group na YUMI, at umani siya ng papuri dahil dito.
“'Pag kumakanta talaga si Zephanie, tumataas [ang] balahibo ko. Proud of her!” ani ng isang viewer.
Kinakiligan din ng ilan ang tambalan nina Zephanie at Michael Sager bilang si Nate.
“Ang lakas ng chemistry nina Zephanie at Michael on screen,” sabi ng isang netizen.
“They're so cute and nakakakilig!” dagdag ng isa pang viewer.
Pinuri naman ng netizens ang good vibes na dala ng Born To Shine at kung paano nito naiibsan ang kanilang stress tuwing hapon.
“Ang ganda ng palabas na 'to! Ang refreshing lang na makakita ng teleserye na ganito,” sabi sa comments sa Kapuso Stream. “'Yung pagod at stress ko, nawawala kapag pinapanood ko 'to.”
Hanga rin ang marami sa galing ni Manilyn Reynes bilang si Minchie, ang ina ni Jeni na dating parte ng girl group na Rosabellas at tutol sa pangarap ng anak noong umpisa.
“Ms. Manilyn, wala ka pa ring kupas! Napaluha mo pa rin ako!” puri ng isang viewer.
“Applause po kay Ms. Manilyn Reynes, grabe ang galing umarte!” dagdag ng isang commenter.
Subaybayan ang inspiring at nagniningning na kwento ni Jeni sa Born To Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 sa GMA Afternoon Prime.