
Isang fan ang gustong maghiganti kay Data (Vina Morales), ngunit iniligtas siya ni Jeni (Zephanie), dahilan para mas gumaan ang loob ng beteranang singer sa dalaga. Samantala, tila naguguluhan na si Jeni tungkol sa tunay niyang nararamdaman para kay Nate (Michael Sager). Saan kaya hahantong ang mga tagpong ito?
Abangan ang pagningning ng bituing matagal nang kinukubli sa 'Born to Shine,' Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.