GMA Logo Manilyn Reynes, Tina Paner, Sheryl Cruz on Born to Shine
Source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Triplets na sina Manilyn Reynes, Tina Paner, Sheryl Cruz, muling napanood sa stage

By Kristian Eric Javier
Published August 30, 2026 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Express Weekend: September 12, 2026 [HD]
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)
Kelsey Merritt, Alex Eala share a hug at New York Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Manilyn Reynes, Tina Paner, Sheryl Cruz on Born to Shine


Triplets na binubuo nina Manilyn Reynes, Tina Paner, at Sheryl Cruz, muling napanood sa 'Born to Shine'.

Simula nang maging bahagi ng GMA Afternoon Prime series na Born to Shine si Sheryl Cruz, maraming fans na ang humihiling ng performance ng dating Triplets members kasama sina Manilyn Reynes at Tina Paner na bahagi rin ng serye.

Matatandaan na naging miyembro ang tatlo ng '80s showbiz and singing trio na Triplets. May ilang pagkakataon na rin na nagsama-sama muli ang tatlo para mag-perform. Noong 2024, muli silang napanood sa telebisyon nang magkakasama na mag-guest sila sa GMA Afternoon Prime talk show na Fast Talk with Boy Abunda.

Sa episode nitong Sabado, August 29, muling nagsama ang tatlo sa entablado para mag-perform bilang mga karakter nilang sina Minchie (Manilyn), Charice (Tina), at Vanna (Sheryl).

Nagdiwang kasi ang bar ni Charice ng anibersaryo nila. Kaya naman, imbes na magtanghal si Jeni (Zephanie), inabot niya ang mikropono sa may-ari nito. Inimbitahan naman ni Charice ang kaibigan na si Minchie, at ang naging kaibigan na rin nila at manager ni Jeni na si Vanna.

KILALANIN ANG '80S SINGING GROUP NA TRIPLETS SA GALLERY NA ITO:

Masayang-masaya ang fans na muling makita ang Triplets sa TV na nagtatanghal kahit na sa serye lang. Ang iba, sinabi rin kung gaano katagal nilang hinintay ang naturang performance ng tatlo.

"Walang kupas ang the Triplets 🥰" komento ng isang netizen.

Sabi ng isa pang nagkomento, "THE TRIPLETS... kapanahunan ito ng aking ina, pero ako'y naging isang tagahanga na din nila. ❤❤❤❤"

"Wow, ang Triplets ni Kuya Germs na hinahangaan namin sa That's Entertainment, reunited!!!! Woooowow 🎉🎉❤❤" sabi naman ng isa pa.

"THE BEST!!THE COMEBACK TRIPLETS OF GMA," sabi ng isa pang netizen.

Matatandaan na parte rin ng trio sina Minchie at Charice, ang Rosabellas, kasama si Dara (Vina Morales). Isang netizen ang nagsabi na mukhang si Vanna na ang bagong miyembro ng naturang grupo.

Ilang netizens din ang nagsabi kung gaano nila na-miss makita ang tatlong singer na magtanghal nang magkakasama.

Subaybayan sina Minchie, Charice, at Vanna sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.