
Isang matinding collaboration ang dapat abangan sa Born to Shine!
Sa mga upcoming episodes, mapapanood na ang P-Pop boy group na BGYO sa GMA Afternoon Prime musical drama series. Binubuo ang grupo nina Gelo Rivera, Akira Morishita, Nate Porcalla, JL Toreliza, at Mikki Claver.
Ang YUMI naman ay ang P-Pop girl group na binuo ng Astra Music sa seryeng binubuo nina Jeni (Zephanie), Megan (Olive May), Yuna (Mutzi Josh), Nancy (Gaea Mischa), at Alfea (Naya Ambi).
Sa episode ngayong Biyernes, May 22, nagkita na sa wakas ang dalawang grupo at inanunsyo ng BGYO na gusto nilang maka-collaborate ang YUMI. Ngunit nang mapansin nilang wala si Jeni, hinanap nila ito kay Momica (Roselle Nava) na sinabing hindi na parte ng grupo ang dalaga.
At sa kasamaang palad, gusto lang ng BGYO maka-collaborate ang YUMI kung kasama si Jeni. Pagbabahagi pa nila, na-inspire sila ng dalaga kaya lang nila gustong maka-collaborate ang P-Pop girl group.
KILALANIN ANG MGA MIYEMBRO NG BGYO SA GALLERY NA ITO:
Dahil dito, muling tinawag ni Monica si Jeni para tanungin kung handa ba itong bumalik ng YUMI. Pero si Jeni, may pag-aalinlangan lalo na't pinilit sila noon ng Astra M na itago ang totoong koneksyon niya sa inang si Minchie (Manilyn Reynes).
Kaya naman si Minchie sinigurado sa anak na okay lang siya, at na si Jeni ang dapat magdesisyon para sa sarili niyang pangarap.
Magbalik pa kaya si Jeni sa YUMI?
Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.